Kaibigan (100)
‘‘Alam na ba ng mga kasamahan mo sa HR na nagli-livein tayo, Tess?’’ tanong ni Dex habang naglalakad sila patungo sa sakayan. Papasok sila ng opis.
‘‘Oo. Noon pa naman alam nila na may pagtingin ako sa’yo kaya hindi na sila nagulat na nagsasama na tayo.’’
‘‘Wala namang comment na bakit nagsasama tayo na hindi kasal.’’
‘‘Wala naman. Paano naman may magko-comment e marami rin namang ganun ang sitwasyon—nagsasama kahit hindi kasal. Kaya walang makakapag-comment. At kung mag-comment man e di sabihin ko na maligaya ako kahit hindi kasal. Mahal ko ang lalaking sinamahan ko.’’
‘‘Ikaw kasi, niyayaya kitang pakasal, ayaw mo.’’
‘‘Ayaw ko ngang matali ka. Basta, unawain mo ako.’’
‘‘E sabi ko naman sa’yo, mahal na kita di ba ?’’
‘‘Bakit parang pilit ang pagsasabi mo ?’’
‘‘Hindi ah.’’
‘‘Basta huwag na muna nating pag-usapan ‘yan. Ang mahalaga sa akin ngayon ay maligaya ako sa piling mo.’’
‘‘Okey, ikaw ang bahala.’’
‘‘E sa department n’yo, alam ba nagsasama tayo?’’
‘‘Wala akong nararamdaman. Siguro me ilang alam pero hindi na nag-uusisa.’’
‘‘Puro lalaki kasi sa inyong department kaya wala nang usap-usap—walang marites.’’
Ngumiti lang si Dex.
Nakarating sila sa sakayan. Mahirap sumakay sa dyip.
‘‘Mahirap sumakay ah. Pagnainis ako, bibili ako ng kotse,’’ sabi ni Dex.
‘‘Sige, tulungan kita sa pagbabayad.’’
Tumango si Dex.
‘‘Nakakasawa nang mag-commute ano Dex?’’
Tumango si Dex.
(Itutuloy)
- Latest


















