^

True Confessions

Kaibigan (91)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Naaaninag ni Dex ang kabuuan ni Tess. Kahit madilim­, hindi maikakaila ang kariktan nito. At nga­yon ay handa nang ipagkaloob sa kanya ang kariktang iyon. Ilang taon na ring na laging nagpaparam­dam sa kanya si Tess. Siya lang ang walang pakiramdam.

Ngayon, may paki­ramdam na siya at ibibigay niya ang gusto ni Tess. Lalaki siya at kaya niyang ipagkaloob iyon. Hindi niya hihi­yain si Tess sa pagkakataong ito. Bahala na ang susunod. Basta pa­liligayahin niya si Tess.

Ang mga sumunod na tagpo ay lalo pang mas mainit. Nag­babaga na sila pareho ni Tess. Napakatinding init na noon lamang niya na­ranasan. Hanggang sa maramdaman niya nagbabanta na ang pagsabog. Palapit nang palapit.

Hanggang sa tuluyan nang kumawala ang namuong init. Pagkaraan ay dahan-dahang bumaba ang temperatura.

Ilang saglit pa at nakita niya na nakangiti si Tess. Yumakap uli sa kanya.

‘‘Pinaligaya mo ako Dex!’’ sabi nito at hinimas-himas ang pis­ngi ni Dex.

Ngumiti lang si Dex.

Siya man ay nali­gayahan din, gusto niyang sabihin kay Tess. (Itutuloy)

DEX

TESS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with