Ahas sa Garden (413)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - February 19, 2020 - 12:00am

Masakit ang ka­nang paa ni Nicole pero tiniis niya. Pinilit niyang tumakbo. Kailangang makatakas siya. Hindi siya dapat maabutan ng addict. Sa tingin niya, wala nang natitirang awa sa addict. Gagawin nito ang na­sasaisip sapagkat nasa impluwensiya ng droga.

Ang isang ikinatatakot ni Nicole ay baka salubungin siya ng kasama nito at makorner siya. Tiyak na naghiwalay ang mga ito sa paghaha­nap sa kanya.

Ganunman, ipinag­patuloy ni Nicole ang pagtakbo. Masakit ka­pag itinatapak ang kanang paa niya pero kailangang tiisin niya. Hindi siya titigil sa pagtakbo.

Hanggang sa mapagod siya. Ipinasya niyang tumigil. Pakiramdam niya, natakasan niya ang addict. Wala siyang naririnig na mga yabag. Tahimik na tahimik sa likuran niya. Napayapa ang kalooban ni Nicole dahil mukhang nailigaw niya ang addict.

Nakiramdam pa siya. Mukhang natakasan nga niya!

Nasa ganoon siyang pagmumuni-muni nang biglang may dumakma sa braso niya!

“Huli ka!’’

Ang addict!

Nagsisigaw si Nicole.

“Bitiwan mo akooo! Bitiwan mo akoooo!”

(Itutuloy)

NICOLE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with