_ngayon
^

True Confessions

Ahas sa Garden (361)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“AALIS na po ako Mang Alexis,” sabi ni Nicole pag­katapos makakain ng almusal. “Salamat po sa pagkain at dito sa suot ko.’’

“Saan ka pupunta gayung sabi mo ay wala ka nang uuwian dahil na-demolished na ang iyong bahay.’’

“Bahala na po.’’

“Talaga bang wala ka nang kamag-anak na ma­aaring matuluyan.’’

“Meron po pero hirap ang buhay. Magiging pabigat lang ako. Marami siyang anak.’’

Napatangu-tango at na­pabuntunghininga si Alexis.

“Paano kung matagpuan ka uli ng babaing na­ngako sa’yo na ipapasok ka ng trabaho pero sa KTV ka dinala. Baka may masamang gawin sa’yo.’’

“Bahala na po, Mang Alexis.’’

“Papasok ka uli na ka­sambahay?’’

“Malamang po. Magdarasal na lang po na ang matagpuan kong amo ay mabait at hindi manyakis.’’

“Mahirap makahanap ng amo na mabait. Meron pa nga na hindi sinusuwelduhan.’’

Napatango na lang si Nicole.

“Paano kung pagtangkaan ka uli ng iyong among lalaki?’’

“Bahala na po Mang Ale­xis. Siguro naman po ay hindi ako pababayaan ng Diyos,” sabi ni Nicole at napatungo.

Napahinga naman nang malalim si Alexis. Mukhang mahihirapan si Nicole na makakita ng mabuting amo. Bihira na ang mga amo na mabait sa katulong.

“Sige po Mang Alexis, aalis na po ako. Salamat po uli,” sabi ni Nicole at tumalikod at humakbang palabas ng pinto.

Nakatingin lang si Alexis. Tila hindi niya alam ang ga­gawin sa pagkakataong iyon. Nalilito siya at naka­pako sa kinatatayuan.

Binuksan ni Nicole ang gate.

Nakatingin lang si Alexis.

Nag-iisip siya nang ma­lalim. Kung kunin kaya niyang manggagawa si Nicole sa kanyang farm. Kayanin kaya nito?

Hanggang naka­labas ng gate si Nicole. Humakbang patungo na sa kalsada.

Nagpasya si Alexis. Biglang tinawag ni Alexis.

“Sandali lang Ni­cole!’’

Lumingon si Ni­cole.

“Bakit po Mang Alexis?’’

“Halika at bibigyan kita ng trabaho.”

Nagliwanag ang mukha ni Nicole.

(Itutuloy)

ALEXIS BRENDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with