Salome (59)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - May 30, 2016 - 12:00am

KAHIT nasa loob ng klase, ang pagmumura sa kanya ni Mam Pilar ang tila naririnig pa ni Salome. Masakit ang mga binitawang pana­nalita ni Mam Pilar. Magbalot-balot na raw siya. Ayaw na raw makita ang pagmumukha niya. Pati raw si Sir Hector ay palalayasin din ni Mam Pilar. Ganun katigas si Mam Pilar. Paano kaya nito mapapalayas si Sir Hector? Pareho nilang pag-aari ang bahay. Masyadong masama na ang mga naiisip ni Mam Pilar sa asawa. Tama lang pala na magalit si Mac sa kinakasama ng kanyang daddy­. Sino ang makakagusto sa ugali ni Mam Pilar ?

Naputol ang pag-iisip ni Salome nang tawagin siya ng propesor para sagutin ang tanong. Mabuti na lamang at nagbabasa siya ng notes at libro araw-araw. Mabilis niyang nasagot ang tanong ng propesor. Hanga sa kanya ang propesor.

Pero malaki ang pasa­salamat niya kay Sir Hector dahil ipinagtanggol siya nito. Kung hindi dumating si Sir Hector baka pinalayas na nga siya ni Mam Pilar. Gasino nang sabihin ni Mam Pilar kay Sir Hector na naglayas siya. Madali lang magtahi-tahi ng kasinungalingan. Madali lang gumawa ng dahilan. Salamat na lang at hindi siya pinabayaan ni Sir Hector.

Tiyak ni Salome na si Amy ang nagsumbong kay Mam Pilar na nag-aaral siya. Bakit nalaman ni Mam Pilar ang oras nang pag-alis niya sa bahay? Talagang inabangan na siya sa oras ng pagpasok. Maaaring tama ang sabi ni Manang Sabel na si Amy ang tsu-tsu kay Mam Pilar at ginagawa iyon para maging malapad ang papel kay Mam Pilar. Pakiramdam ni Salome, inggit na inggit sa kanya si Amy dahil nag-aaral siya. At gusto nitong mapalayas siya sa bahay. Iyon ang hula niya kaya sinumbong siya kay Mam Pilar. Nakuha ni Amy ang kiliti ni Mam Pilar. Madali lang magsipsip sa among babae.

MAKARAANG komprontahin ni Mam Pilar si Salome ay hindi na iyon nasundan. Maaaring napakiusapan ito ni Sir Hector na huwag nang tutulan ang kanyang pag-aaral. Pero nag-iingat pa rin si Salome, maaaring nag-lie low lang si Mam Pilar. Baka kapag umalis si Sir Hector baka siya palayasin. Madali nang makagagawa ng dahilan si Mam Pilar kapag napalayas na siya.

Isang araw na nagdidilig ng mga halaman si Salome, lihim na nakasilip sa bintana si Amy at nakangisi --- ngi­sing-aso.

Malapit ka nang palayasin ni Mam Pilar, Salome! Mabuti nga sa’yo ! Ha-ha-ha!

(Itutuloy)

ASSOCIATION OF BARANGAY COUNCILS CITY MAYOR PAZ RADAZA LAPU LAPU CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with