^

True Confessions

Black Widow (128)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SINIMULAN ni Jam na kabisaduhin ang schedule ni Jose sa opisina. Dahil mayroon na siyang access sa mga opisina roon, madali siyang nakakapasok. Isa pa, pinagkakatiwalaan agad siya ng kanyang boss. Siya na ang ginawang personal secretary sa tanggapan. Mabilis ang kanyang pag-angat sa puwesto dahil marunong siya sa trabaho. Bukod doon, bigatin ang nagpasok sa kanya na walang iba kundi si Jose.

Kunwari ay mayroon siyang dadalhing memo sa departmento nina Jose pero ang talagang motibo niya ay malaman ang pagdating at pag-alis nito sa opisina. Nasa kabilang building ang departamento nina Jose. Hindi na niya kailangang lumabas pa ng kanilang building dahil may bridge na patungo sa building nina Jose.

Pagdating niya sa umaga, dakong alas otso ay lilipat siya sa kabilang building para silipin si Jose sa opisina nito. Wala pa. Maaaring alas nuwebe dumarating si Jose. Naalala niya, naghahatid nga pala ito ng anak sa school. Ikinuwento pa nga nito na sa school sila nagkakilala ni Marie. Babalik siya ng alas nuwebe para masigurado ang dating ni Jose.

Tama ang hula ni Jam na alas nuwede dumarating si Jose. Nang magbalik siya ng alas nuwebe, nasilip na niya roon si Jose. Abala na ito sa mesa. Hindi na siya nagpakita kay Jose.

Kinahapunan, mga dakong alas singko ay muling nagtungo si Jam sa building nina Jose. Aalamin niya kung anong oras umuuwi.

Nang silipin niya sa pinto, naroon pa ito at nagtatrabaho. Ano kayang oras umuuwi?

Dakong alas sais, ipinasya na ni Jam na umuwi. Pero muli siyang magdadaan sa building nina Jose para alamin kung naroon pa.

Dahan-dahan siyang sumilip. Naroon pa si Jose!

Natigilan si Jam. Pumasok kaya siya?

Pero napaatras siya nang makitang may kasama pa pala si Jose sa loob. Naroon pa ang sekretarya ni Jose.

Bigo si Jam. Pero hindi siya susuko. Matitiyempuhan din niya na nag-iisa si Jose.

(Itutuloy)

vuukle comment

AALAMIN

ABALA

ALAS

ANG

ANO

JOSE

NANG

NAROON

NIYA

PERO

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with