Black Widow (122)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2016 - 9:00am

SUNOD na Linggo, si Iya (anak ni Jose) naman ang kanilang kinausap. Si Marie naman ang nagtungo sa bahay nina Jose. Hindi na sumama si Pau dahil nag-aaral ng lesson. Si Marie naman ang nagdala ng pagkain kina Jose.

‘‘Ba’t nagdala ka pa, Marie. Mayroon akong niluto na pagsasaluhan natin. Nagluto ako ng kare-kare. Masarap ang bagoong alamang na ginisa ko sa laman at taba ng baboy.’’

‘‘Pinaglaway mo naman ako Jose. Ang sarap siguro n’yan.”

“Talagang masarap ang luto kong kare-kare. Es-pesyal ang pagkakagawa ko para sa iyo.’’

Tinapik-tapik ni Marie sa balikat si Jose.

‘‘Sa palagay mo mauunawaan tayo ni Iya, Jose ?’’

‘‘Oo naman. Katulad din ni Pau, mauunawaan tayo ni Iya.’’

‘‘Kung hindi, paano tayo.’’

‘‘Magtiwala ka sa akin Marie. Mauunawaan tayo ni Iya.’’

Pagkaraan niyon ay tinungo ni Jose ang kuwarto ni Iya. Kumatok. Binuksan iyon. May sinabi si Jose kay Iya. Pagkaraan ay isinara ni Iya.

Bumalik si Jose sa tabi ni Marie.

‘‘Anong sabi ni Iya, Jose?’’

‘‘Lalabas na raw siya, magbibihis lang.’’

Makalipas ang ilang minuto, lumabas na si Iya at nagtungo sa kinaroroonan nina Jose at Marie.

‘‘Maupo ka anak,’’ sabi ni Jose.

Hindi na nag­paliguy-ligoy si Jose at Marie. Kung ang sinabi nila kay Pau, gayundin ang sinabi nila kay Iya.

“Okey lang sa’yo na mag-asawa ako, Iya?” tanong ni Jose sa anak.”

“Opo daddy.’’

“Salamat anak.’’

Niyakap naman ni Marie si Iya. Masayang-masaya siya.

BILANG selebrasyon sa pagiging magkasintahan nina Marie at Jose, kumain silang apat sa isang Japanese restaurant sa isang mall isang araw. Masayang-masaya sila nang matapos kumain. Pawang busog. Namasyal muna sila sa mall at saka pagkaraan ay manonood ng sine.

Nang bigla ay masalubong nila si Jam.

Hindi makapagsalita si Marie. (Itutuloy)

ACIRC ANG ANONG BINUKSAN BUMALIK IYA JOSE MARIE MASAYANG PAGKARAAN SI MARIE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with