Maja at Enrique balik ‘asap natin ‘to,’ may fresh pasabog din mula kay Sarah G

Maja Salvador

Mas sisigla ang long weekend sa inaabangang comeback acts at maagang pa-Valentine’s day sorpresa ngayong Linggo (Pebrero 11) sa ASAP Natin ‘To sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Abangan ang pinakahihintay na pagbabalik ng Majestic Superstar na si Maja Salvador sa ASAP stage, tampok ang kanyang pinakabagong single performance, habang may malaking comeback din ang Kapamilya heartthrob at lead star ng I Am Not Big Bird na si Enrique Gil.

Paiinitin muli ng pambansang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ang inyong Linggo sa panibagong edisyon ng Sarah G Specials.

Damang-dama naman ang Feb-Ibig fever sa maagang pa-Valentine’s nina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Angeline Quinto Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Nina, Vina Morales, at ang ASAP Kapamilya kasama sina Janine Gutierrez at Edward Barber.

Makihugot din sa senti hits showdown nina Jona, Jed Madela, Kyla, Frenchie Dy, at Sheryn Regis. Kiligin naman sa pasabog na hatawan ng dance heartthrobs na sina Jameson Blake, Jeremy G, Aljon Mendoza, Edward, at Joshua Garcia.

Maririnig muli ang boses ng Kabataan sa nalalapit na pagbabalik ng The Voice Teens. At bilang paghahanda sa ikatlo nitong season, may todo birit performances sina Martin, KZ, Darren, at The Voice US Season 19 fan favorite Ryan Gallagher.

Tuluy-tuloy ang hatawan sa triple Clash Dance tapatan ng global Pinoy dance idols na sina Gab Valenciano, Gela Atayde, at Ken San Jose. Hindi rin pahuhuli ang fresh kantahan nina Moira dela Torre kasama sina Martin, Erik, at Ogie, pati ang new single performance ni Yeng Constantino.

Abangan din ang En Vogue hits biritan nina Regine, Vina, Sheryn, Frenchie, at Bituin Escalante.

At maantig sa romance classics kantahan nina Martin, Zsa Zsa, Erik, Ogie, and Regine sa early Valentine’s edition ng The Greatest Showdown.

Show comments