Stolen Life nina Carla, Beauty,  at Gabby, nakakaintriga!

Carla, Gabby at Beauty
STAR/ File

Magsasama-sama sa hapon ang mga nag­lalakihang Kapuso star para sa isang mahiwagang kuwento this November!

Tatampok sa mas pinatinding GMA Afternoon Prime ang seryeng Stolen Life na pagbibidahan nina Carla Abellana bilang Lucy, Beauty Gonzalez bilang Farrah, at Gabby Concepcion bilang Darius.

Iikot ang kuwento nito sa agawan ng asawa with a twist! Dahil sa pamamagitan ng astral projection, puwedeng humiwalay ang kaluluwa ng isang tao habang natutulog. Ito rin ang magiging daan ni Farrah para makipagpalit ng katawan at agawin ang masayang buhay ni Lucy.

Ngayon pa lang, naiintriga na ang netizens sa kakaibang istorya ng Stolen Life.

Very unique rin ang aktingan ng powerhouse cast dito gaya na lamang ni Carla na ipapakita ang kanyang kontrabida side!

Komento ng ilan sa teaser na ibinahagi ng GMA Network sa Facebook, “Kontrabida si Carla? OMG! I like the story. Sino kaya ang totoong bida rito? Kaabang-abang na naman! Kabog ang mga artist! Major plot twist!”

Magkakaroon ngworld premiere ng bigating suspense drama series na  Stolen Life this Nov. 13 na sa GMA Afternoon Prime!

Show comments