^

PSN Showbiz

Sunshine, tanggap na kailangan ng mga anak si Cesar

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sunshine, tanggap na kailangan ng mga anak si Cesar
Sunshine
STAR / File

Nagpapasalamat si Sunshine Cruz na tuluy-tuloy ang kanyang trabaho.

Ngayon ay mapapanood siya sa Unbreak My Heart.

“Sobrang grateful and blessed kasi dire-diretso talaga ang work.

“And of course nakakatuwa kasi blessing for me ito and it’s a dream come true to be able to work with Jodi, Papa Chen, Gabbi and Joshua kasi the last time na katrabaho ko sila picture lang ako tsaka flashback scene sa Be Careful with My Heart and that was 2012,” pag-alala ni Sunshine pagkatapos ng Media Day ng Unbreak My Heart last Thursday afternoon.

Dagdag niya, guest scene lang ang unang offer sa kanya sa Unbreak My Heart na sa Milan daw ang location. “So sabi ko sige na kahit guest lang. And thank God na I got a good news pag-uwi ko rito from Milan, makakasama na ako sa cast, regular cast. So, another blessing for me talaga”

Kailangan daw talaga niya ng trabaho dahil sa tatlong anak niya.

Katatapos lang niyang mapanood sa afternoon serye ng GMA na Underage.

Samantala, maligaya ang actress at wala na silang problema ng dating asawang si Cesar Montano. Kabilang sila sa modern family sa showbiz.

“I think it’s about time and I feel and I see that my kids are really very very happy everytime that they would go out with Kath (current relationship) and with Cesar.

“And may mga milestone sa bata na kailangan sini-share ng parehong magulang. It feels good na New Year, birthday ng mga anak ko, graduation na nandoon kami both. And wala na talaga, wala nang sugat, wala nang anything and it’s just really a blessing na of course pati ‘yung partner ni Cesar na si Kath ngayon ay naging bridge rin talaga na maging close ang lahat.

“And the kids are very happy with that. Of course kapag masaya ang mga anak mo, buhay ko ang mga anak ko. It makes me the happiest,” paliwanag pa ng aktres na umiiwas nang pag-usapan kung kelan ba siya ulit magkaka-lovelife.

Samantala, isang bawal na pag-ibig ang magdadala ng sakit at hinagpis sa mga karakter nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Gabbi Garcia, at Joshua Garcia sa Unbreak My Heart, ang kauna-unahang kolaborasyon ng GMA Network at ABS-CBN Corporation na mapapanood na ngayong Mayo.

Iikot ang kwento nito kay Rose (Jodi), isang babaeng durog na durog ang puso dahil sa kanyang masalimuot na nakaraan at ngayon ay gustong mabuo muli ang kanyang pamilya matapos niya itong iwanan.

Sa kalagitnaan ng pagtatama ng kanyang mga kasalanan, mahuhulog ang loob ni Rose kay Renz (Joshua), isang naggwagwapuhang lalaking magiging sandalan niya sa kabila ng mga personal na problema nito at mauuwi sila sa kapana-panabik na May-September love affair.

Sa kabila nito, makikilala ni Renz ang isang sexy at magandang babaeng si Alex (Gabbi) na handang ipaglaban ang kanilang nabuong pag-iibigan.

Magiging komplikado ang buhay nina Rose, Renz, at Alex dahil maiipit sila sa love triangle.

Iigting pa lalo ang kanilang mga emosyon dahil sa patung-patong na mga problema nang sumulpot si Matt (Richard) sa kanilang mga buhay para protektahan ang pamilya niya.

Ipaglalaban pa ba ni Rose si Renz kahit nasasaktan na ang kanilang mga damdamin? Kaya pa bang maghilom ang puso ni Rose sa kabila ng pangingialam ni Matt?

Kinunan ang Unbreak My Heart sa Switzerland, Italy, at Pilipinas sa ilalim ng direksyon nina Emmanuel Q. Palo at Dolly Dulu at sa produksyon ng Dreamscape Entertainment.

Kabilang din sa serye sina Laurice Guillen, Eula Valdes, Sunshine Cruz, Nikki Valdez, Romnick Sarmenta, Victor Neri, Dionne Monsanto, PJ Endrinal, Maey Bautista, Marvin Yap, at Mark Rivera, pati na ang up-and-coming young actors na sina Will Ashley, Jeremiah Lisbo, at Bianca de Vera.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with