^

PSN Showbiz

Christopher, nag-iisa sa kanyang trono

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Christopher, nag-iisa sa kanyang trono
Christopher
STAR/ File

Natutuwa ako na magsasama sa FPJ’s Batang Quiapo sila Coco Martin at Christopher de Leon.

Kasi napakagandang kombinasyon nito at una pa lang nilang pagsasama sa isang project.

Kaya naman tiyak na exciting itong una nilang proyekto.

Marami sa TV viewers ang talagang magugustuhan ang kumbinasyon nila.

Parehong mahusay na actor sina Coco at Boyet. Kaya nakakatuwa ito.

Bongga na naman ang project ni Coco na talagang aabangan ng lahat.

At siyempre si Boyet din.

Pero ang talagang nakakatuwa, hindi pa rin talaga nawawala ang mga beteranong aktor.

Kahit pa sabihin nilang hindi sila mga aktibo sa social media, iba pa rin ang premium ng katulad ni Christopher de Leon na isang award winning pag kasama sa isang teleserye.

Ang wish ko talaga ay sana lahat ng artista ay tularan si Boyet.

Alam naman nating lahat na may madilim na bahagi ng buhay si Boyet nang maligaw siya ng landas na nangyari nung kasikatan ng kanyang career.

“Naging too confident ako with myself. I started enjoying and being happy where I was. Nalululong ako sa masamang bisyo. I was taking all the drugs.

“Because of the fame, success, you have all the money. Susuweldo ka today, call up the boys, call up the gang, ‘Let’s paint the town red!’ Excessive ako sa ganu’n,” ang kuwento ni Boyet sa YouTube vlog ni Amy Austria.

Naalala ko rin na inamin ni Boyet na lumobo ang ulo niya noong  sikat na sikat  siya.

“Nawala na ako. Kasi nawala na ang Diyos sa akin. Naniniwala ako na gagawin ko ‘to para magawa ko ‘yan. Gagawin ko ‘to, gagawin ko ‘yan para makarating ako dito,” aniya pa.

Matibay na matibay ang career na dapat tularan ng mga kabataan na sandali man naligaw ng landas at dumaan sa lubak ng buhay, andyan siya at nag-iisa sa kanyang trono.

Congrats Boyet. Bongga ka talaga.

FPJ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with