^

PSN Showbiz

Piolo at Dayanara, dinumog sa coronation night

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Piolo at Dayanara, dinumog sa coronation night
Piolo Pascual a Dayanara Torres.

Sina Piolo Pascual at 1993 Miss Universe Dayanara Torres sa Redondo Beach Performing Arts Center sa Redondo Beach, California noong Saturday afternoon (Sunday morning sa ‘Pinas).

Sila ang nag-host ng coronation night ng Miss Filipina International/Miss Filipina Teen.

Bongga rin si Piolo at after ng apat na shows nila ni Sam Milby ay may hosting stint naman siya with Dayanara.

Noong Friday ay nag-rehearse sina Piolo at Dayanara at binisita sila ni Vina Morales na nasa California rin para sa ilang shows.

Sabi ni Vina, happy raw siya na nagkita sila nina Papa P at Dayanara.

Anyway, napakaraming um-attend sa coronation night ng nasabing beauty pageant at pinagkaguluhan sina Piolo at Dayanara.

After ng event, game na silang nakipag-picture sa mga kababayan natin na nagpunta sa event na ‘yon.

Sa videos na shinare ng kaibigan na­ming si Katie Ortiz, walang kaarte-arte sina Piolo at Dayanara kahit na napakaraming nagpapa-picture sa kanila.

In fairness to them, kahit pagod na sila sa pagho-host, super smile pa rin sila at nakikipagchikahan din sila sa mga lumalapit sa kanila, huh!

How nice!

Richard, ‘di nakapunta sa premiere ng Maid…

‘Katuwa talaga ang Gutierrez family, Ateng Salve. Sobrang supportive sila kay Ruffa Gutierrez na gumaganap na Madame Imelda Romualdez-Marcos sa pelikulang Maid in Malacañang na showing na sa Wednesday (Aug. 3).

Si Annabelle Rama, at ang iba pang pamilya ni Ruffa, um-attend ng premiere night noong Sunday sa The Block ng SM North EDSA.

Si Richard Gutierrez naman, hindi man nakapunta sa premiere night at nag-congratulate sa kanyang ate sa success ng event na ‘yon.

Malamang na um-attend naman sila ng misis niyang si Sarah Lahbati kapag natuloy ‘yung pa-block screening namin.

Bongga!

Donny Pangilinan, kinasasabikan ng fans sa US

Tatlong shows ang gagawin ng ilang Star Magic/Kapamilya stars para sa kanilang Beyond the Stars US tour.

Meron sila sa King Theater sa Brooklyn, New York on Aug. 6. Meron din sila on Aug. 12 naman sa The Warfield sa San Francisco, California at Aug. 14 naman ang show nila sa Saban Theater in Beverly Hills.

Tinanong ko ang isang handler ng Star Magic kung kailan ang alis ng mga artista nila pa-Amerika at today raw ay may mga aalis na.

Ang iba naman, sa Wednesday ang alis.

At least, hindi magpapahuli ang Star Magic artists sa maraming Filipino stars and singers na nagsu-show na sa Amerika, huh!

Ang ilang friends namin sa LA na nakabili na ng tickets para sa nasabing show ay excited na makita si Donny Pangilinan.

Yes, in fairness, sobrang sikat talaga kahit sa Amerika ng anak nina Anthony Pangilinan at Maricel Laxa.

‘Yun na!

DAYANARA TORRES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with