^

PSN Showbiz

Probinsyano, winasak ang sariling live viewership

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Probinsyano, winasak ang sariling live viewership
Coco
STAR/ File

Malabong tapusin...

Tinutukan ng mga manonood ang madugong bakbakan sa FPJ’s Ang Probinsyano matapos wasakin ng serye ang sarili nitong live viewership record sa Kapamilya Online Live sa YouTube, kung saan nagtala ng all-time high na 222,000 live concurrent viewers ang episode noong Lunes (Abril 11).

Ito ang pangalawang sunod na episode na nakamit ng serye ang panibagong record matapos mapanood ang matinding sagupaan sa pagitan ni Cardo (Coco Martin) at mga kalaban niyang sina first lady Lily (Lorna Tolentino), Lito (Richard Gutierrez), at Albert (Geoff Eigenmann).

Sa taas ng live viewers nila, malamang hindi na talaga nila iisiping tapusin ang Ang Probinsyano.

Miss Granny ni Sarah and Alone ng LizQuen, showing na sa Kapuso

Long weekend na, kaya naman hatid ng GMA Network sa mga manonood ang programa ng Holy Week para panatilihing konektado ang Kapuso viewers sa kanilang pananampalataya at pagmumuni-muni habang nasa kaligtasan ng kanilang mga tahanan.

Umpisa ngayong Huwebes Santo samahan ang Biyahe ni Drew.

Pagkatapos ay saksihan ang mga kuwento ng Kanyang mga himala at kadakilaan kasama si Hesus na susundan ng Barbie in a Mermaid Tale  at Antz. Sunud-sunod din ang mga palabas sa CBN Asia’s Holy Week.

Palabas din ang Spy Kids 4. Sariwain naman ang epic fantasy-adventure trilo­gy na The Lord of the Rings.

Ganundin ang pelikulang This Time I’ll Be Sweeter, starring Ken Chan and Barbie Forteza.

Mapapanood din ang 24 Oras na susundan ng Imagine You and Me nina Alden Richards at Maine Mendoza at ng pelikulang Spartacus.

Hanggang Biyernes Santo ay may line-up din sila.

Abangan ang susunod na pakikipagsapalaran ni Barbie sa Barbie in A Mermaid Tale 2.

Makiisa naman sa Siete Palabras sa 12:00nn.

Andyan din ang The Lord of the Rings: The Two To­wers, Moments of Love, Miss Granny (Sarah Geronimo) at The Ten Commandments.

Pagdating ng Black Saturday sundan ang The Story for Jesus for Children, Kung Fu Panda 3, Ang Prinsipe ng Ehipto, Ang Lihim na Buhay ng mga Alagang Hayop at How to Train Your Dragon: The Hidden World at ang pagtatapos ng The Lord of the Rings trilogy:  The Return of the King.

Showing din ang Enteng Kabisote 10 and The Abangers (Vic Sotto), Alone/Together (Liza Sobrano and Enrique Gil) and Ben Hur.

Hindi katulad nung ‘unang panahon’ na ‘pag Huwebes, Biyernes & Sabado Santo, talagang dasal lang at pagpapakabanal ang kailangang atupagin mo, ngayon iba na.

Bukod sa mga palabas sa TV, andyan ang digital platforms kaya tala­gang akala ng iba, bakasyon ang Mahal Na Araw.

vuukle comment

FPJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with