^

PSN Showbiz

Xian, ‘di network contract ang pipirmahan sa GMA

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Xian, âdi network contract ang pipirmahan sa GMA
Xian
STAR/ File

Magsisimula na rin bukas ang quarantine ng buong cast ng I Left My Heart in Sorsogon.

Nakatsikahan ko si Paolo Contis na isa sa makakasama nina Heart Evangelista at Richard Yap. Kapag okay na raw at ma-clear silang lahat, baka July 17 ay bibiyahe na raw sila pa-Sorsogon. Hanggang August na raw sila roon para matapos na ang buong taping.

Kaya, hindi na muna sumasali si Paolo sa All-Out Sundays dahil kailangang dito lang siya sa bagong drama series na ila-lock in.

Samantala, may nakakarating na sa aming pangalan na makakasama ni Bea Alonzo sa kauna-unahang drama series na gagawin niya sa GMA 7. Pero hindi pa sure iyon dahil sobrang busy naman ng aktor na ito, at may existing pa siyang programa.

Hinihintay na rin ang announcement ng paglipat ni Xian Lim na makakatambal ni Jennylyn Mercado sa gagawin nitong drama series na Love. Die. Repeat. Sa programang iyon pa lang ang pipirmahan ni Xian sa Kapuso network.

Sexy actress nakunan ng ebidensiya na kasama ang dyowang mayaman na malapit sa mga Marcos!

May ilang nagulat sa isang litratong nai-post ng isang kaibigang katabi ng kilalang sexy actress si Sen. Imee Marcos.

Ano raw ang ginagawa nitong si sexy actress sa malaking bahay ng senador? Hindi sure kung kuha iyon sa nakaraang kaarawan ng dating First Lady Imelda Marcos. Pero sa nasabing kuha sa picture na kasama si sexy actress, parang ang close raw ng dating nito sa Marcoses.

Paano ba naman! Ang tsikang nakarating sa amin, close raw sa pamilya Marcos ang boyfriend nito pero mariin niyang itinatanggi ito.

Tinanong namin siya kung totoong malaki ang agwat ng edad nila ng bago niyang boyfriend, diretsahan niyang sinagot na wala siyang boyfriend.

Pero ang dami na naming nasagap na kuwento tungkol sa bagong lovelife ni kilalang sexy actress. Ang sabi ng isang source namin, super yaman at close nga raw sa pamilya Marcos ang current boyfriend.

Meron din daw kaibigan ang aktor na na-link sa kanya, at ang isa pang tsika ay tatay raw ito ng kaibigan niya.

Pero lahat nang ito ay itinatanggi ni sexy actress.

Kaya lang, sa rami ng mga kuwentong nakakarating sa amin, malamang na kahit isa man lang ay may totoo roon ‘di ba?

Tingnan natin kung talagang mapapanindigan ni sexy actress ang pagdi-deny.

Lolong, tuloy na!

Finally, matutuloy na rin ang taping ng Lolong.

Ilang beses na kasi itong naudlot dahil merong nag-positive nung unang quarantine, nagkaproblema sa set, at natagalan sa paggawa ng mechanical na malaking buwaya.

Nagsimula na silang mag-quarantine sa EDSA Shangrila at after 10 days na quarantine, muli silang i-RT PCR test. Kapag okay na lahat at negative ang buong cast at staff, diretso na sila sa lock in ta­ping nito. Medyo matagal ‘yan.

Kasama nga rito sa Lolong si Arra San Agustin na kapipirma lang ng renewal ng kontrata sa GMA Artist Center. Nasa quarantine siya nung humarap sa media, after the contract-signing.

“‘Yung pinanggalingan ko talagang heavy drama eh. Dito sa Lolong  more on adventure talaga siya eh,” napapangiti niyang pahayag.

Ayaw lang daw niyang masyadong ikuwento at baka meron daw siyang mabanggit na hindi pa puwedeng i-reveal. Pero kakaiba raw ito at excited ang lahat, lalo na’t bigatin din ang mga artistang magiging bahagi nito bukod kina Ruru Madrid at Shaira Diaz.

IMEE MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with