_ngayon
^

PSN Showbiz

Inigo, abala sa maraming training

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Inigo, abala sa maraming training
Inigo
STAR/ File

Nakapagsulat ng ilang kanta si Inigo Pascual para sa kanyang bagong album na may titulong Options. Napapakinggan na ngayon ang mga bagong kanta ng actor-singer sa pamamagitan ng Spotify, Apple Music at Deezer. Ayon sa binata ay mayroon siyang mga pinagdaanan noon kaya mayroong pinaghugutan upang makapagsulat ng mga kanta. “Actually may mga pinagdaanan ako and I was able to write those songs. Sa dami ng nangyari sa album na ito, siguro masasabi ko na each song kind of reminds me of a certain time in life where so much happened. So much happened while we were recording. I can say na sobrang personal ito para sa akin. Coming from my first album Dahil Sa ‘Yo, I was so nervous working on another album. I was nervous with the thought of even releasing music because I didn’t know what I could come up with. But I’m happy now, I’m glad I am able to do this and show this side of me,” pahayag ni Iñigo.

Kahit magaling nang magsayaw ang actor-singer ay kinailangan pa raw na mag-dance training ulit ni Inigo ngayon. “Just a couple of months ago I started this training for my dance and for my performing. Para lang mas mahasa din ako and it’s definitely changed my perspective on a lot of things. Not just in performing but in my lifestyle.

“Kasi grabe ‘yung mga bata ngayon, sobrang talented. Personally, I don’t want to limit myself with what I’ve already done. I want to keep going and I want to maximize my talent and what I can do. And I also want to be able to entertain to my full capacity and to really be able to bring joy through my music. I am actually doing a lot of training right now. But it’s all part of the process of making the dream happen,” paglalahad ng binata.

Agot at Janice, nagkapikunan sa taping

Mamayang gabi ay mapapanood na ang La Vida Lena na pinagbibidahan ni Erich Gonzales. Kabilang din sa naturang proyekto sina Janice de Belen at Agot Isidro na talaga namang kaabang-abang din ang mga eksena. “Marami kayo makikita na campy scenes dito. Actually we had fun doing it. Kasi even while we were rehearsing, we were playing with the lines to see what works. Siyempre may campy na nakakaumay or may campy na OA (over acting). So we had to rehearse the lines. Of course nandiyan ang mga direktor namin. Binabantayan kung paano namin gagawin. So kailangan rin handa kami kasi we’re having so much fun. Parang sobra naming nai-enjoy,” nakangiting kuwento ni Janice.

Sigurado naman daw si Agot na talagang kaiinisan ng mga manonood ang kanyang bagong karakter. “Kami ni Janice, ibang-iba ‘yung character namin. Ako medyo hyper, siya ‘yung cool lang. Kaya kapag nagbabangayan kami, may pikunan factor talaga. Lalo na ako, kasi ako ‘yung napipikon. So ang saya,” pagbabahagi naman ni Agot.

Mayroon mang nangyayaring pikunan sa set ay wala naman umanong nangyayaring personalan sa pagitan nina Janice at Agot. “After no’n, tatawa lang kami. Kasi ang sarap niya gawin. Sa akin, pinaka-enjoy ako ‘pag kontrabida. ‘Pag kasi nalalaro mo talaga ang role mo and ang character,” paliwanag ni Agot.

(Reports from JCC)

INIGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with