^

PSN Showbiz

Matapos ang one year na walang franchise, Kapamilya mas hataw sa digital platforms!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Matapos ang one year na walang franchise, Kapamilya mas hataw sa digital platforms!

In all fairness, tinutupad ng ABS-CBN ang pangako nitong patuloy na paglilingkuran ang mga manonood sa mensahe nitong Andito Kami Para Sa ‘Yo para sa ika-unang taon mula nang nawala ang network sa ere.

Ipinaabot ng ABS-CBN ang mensaheng ito sa social media sa tulong ng iba’t ibang programa, plataporma, at artista ng kumpanya.

Paalala nila sa mga local audience, narito pa rin ang ABS-CBN upang sumuporta, at magbigay-liwanag at ligaya sa kanila sa pamamagitan ng mga programa nitong napapanood sa free TV, cable, online, at sa streaming platforms.

Makikita sa inilabas nilang video na isinalin sa iba-ibang lenggwahe ang Andito Kami Para Sa ‘Yo upang diumano’y mas personal na maipahatid nila  ang mensahe nito sa mga patuloy na tumatangkilik at nagtitiwala sa kumpanya para sa balita, public service, at entertainment, sa kabila ng mga pagsubok.

“Kayo po ang tanging dahilan kung bakit kami patuloy na naglilingkod, mula noon hanggang ngayon. Dahil sa inyong suporta, patuloy tayong nakakapaghatid ng mga kwento, nakapagbibigay ng saya at inspirasyon sa Pilipino,” sabi ng ABS-CBN sa social media posts.

Patuloy din umano sila sa paghahanap ng paraan upang maabot at mahatiran ng serbisyo ang mga manonood na Pilipino nasaan man sila sa mundo na parang may franchise pa rin.

Sa kasalukuyan ay napapanood na muli ang iba-ibang entertainment programs nila  sa buong bansa, kabilang ang primetime block nito, sa free TV at gamit ang digital box sa A2Z Channel 11 at TV5.

Sa cable, mapapanood din sila sa Kapamilya Channel, Cinemo, A2Z, TV5, Jeepney TV, CinemaOne, Metro Channel, MYX, at Knowledge Channel. Habang maiinit na balita naman ang  hatid ng TeleRadyo at ANC, the ABS-CBN News Channel.

Well, sa online, lalo pang mas maraming pagpipilian ang mga Kapamilya, dahil ipinapalabas din nila ang iba-iba nitong offerings sa mga opisyal na social media pages at digital platforms nito, sa Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, sa streaming service ng ABS-CBN na iWantTFC, at kamakailan lang, maging sa WeTV iflix.

Maging ang mga nasa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas ay naabot pa rin nila sa pamamagitan ng TV5 at mga programa ng MOR Entertainment sa Facebook, Kumu, Spotify, at YouTube.

Patuloy rin nilang binibida ang talento ng Pilipino sa pamamagitan ng Star Music at Star Ci­nema, samantalang tulong ang dala ng ABS-CBN News Public Service at ABS-CBN Foundation sa mga nangangailangan.

Anyway, ilang showbiz observer ang nasabing nabawasan ang interest ng mga Pinoy sa panonood ng television lalo na ngayong may pandemic dahil mas tinutukan diumano ng karamihan ang digital platforms.

Nagbigay daw kasi ito ng maraming options sa  para mamili ng panonooran.

At ang mga artistang dating nasa TV lang, nagkanya-kanya ng channel sa iba’t ibang platform.

But anyway, kung hindi kaya nawalan ng franchise ang ABS-CBN, may ganito kayang pagbabago?

After a year na walang franchise, hindi na umaasa ang marami na makakakuha makakapag-operate sila hanggang after the 2022 elections.

 

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with