Awww true ba? Gerald wala raw sa bokabularyo ang kasal!
May umay factor na ang issue sa magdyowang Gerald Anderson and Julia Barretto.
Unless mag-propose si Gerald na malabo diumanong mangyari sa kasalukuyan ayon sa isang naging malapit sa kakilala sa actor.
Yup, parang wala diumano sa vocabulary nito ang kasal.
Ah well, baka naman nagbago na ang attitude ng actor now na pandemic at matagal itinago ang relasyon nila ni Julia.
Samantala, pinagdududahan na siya ang pinatatamaan ni Janus del Prado sa post nitong “A real man will apologize for his mistakes and accept his shortcomings to try to become a better version of himself. A coward will lie, manipulate, redirect blame and play the victim role just to save his face.”
Noon pa diumano’y may mga pasaring si Janus sa actor. Identified na kaibigan ni Bea Alonzo si Janus.
May konek diumano ito sa sinabi ni Bea na “I think it was more of that and until now, he’s not holding himself accountable. That’s what really gets me. He has not changed. Not a bit. He was only protecting himself. He’s selfish.”
Ang harsh lang ng netizens na baka raw hindi naman talaga nag-e-expect ng kasal si Julia from Gerald at alam na raw kung bakit.
- Latest