^

PSN Showbiz

Jamie, inaaral ang minanang negosyo

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jamie, inaaral ang minanang negosyo
Jamie

Bilang isang singer at composer ay sinisikap ni Jamie Rivera na makapagsulat ng mga kantang makapagbibigay ng ins­pirasyon sa ating mga Filipino. Kamakailan ay nailunsad ng singer ang kantang Ber Months Na Naman na kahit paano ay nakapagpapasaya sa mga nakaririnig nito. “’Yung pagmamahal ko sa music ay parang pagmamahal ko sa isang bata, sa isang anak. ‘Yung ninu-nurture mo siya at saka binibigyan mo siya ng magandang message. Gano’n ang mga isinusulat ko kasi gusto kong gano’n ang maramdaman at matutunan ng mga nakakarinig ng songs ko, para sa mga Filipino siyempre. Ito ‘yung lyrics na ginawa ko habang mga bata pa kami, very timely ang paglabas ngayong pandemic. Kasi mayroon akong minention doon na kahit wala ng regalo sa dakilang araw na ito ang gusto ko lang ay magkasalo tayo,” paliwanag ni Jamie.

Mahigit siyam na buwan nang ipinatutupad ang community quarantine sa iba’t ibang lugar sa bansa dahil sa banta ng COVID-19 pandemic. Nabawasan ang mga trabahong ginagawa ni Jamie bilang isang singer kaya napasabak na rin sa pagnenegosyo. “We’re into real estate. Actually minana ko ang trabaho. ‘Di ako nagmana ng kayamanan, minana ko ang trabaho. Kasi sabi ko I’m not getting any younger so I have to work. I have to learn the whereabouts of our own business. Hindi na ako bumabata na, so kailangan dapat alam ko ‘yon. Alam n’yo ang posisyon ko roon, OJT ako roon. Kumbaga inaaral ko, kumbaga work in progress ako. Gano’n lang kasimple ‘yon kaya lang siyempre you have to give dedication to it. Kung ano ang tinatrabaho mo ay aralin mo. Pero kapag Saturdays and Sundays kung ano ang gusto kong gawin ay ginagawa ko, kumakanta ako,” pagdedetalye ng Inspirational Diva.

Kz at TJ, tumutulong sa church

Nagdiwang ng Pasko bilang bagong mag-asawa pa lamang sina KZ Tandingan at TJ Monterde. Matatandaang noong Agosto lamang nagpakasal ang dalawa. Malayo sina KZ at TJ sa kanya-kanyang pamilya at hindi na rin nagkaroon ng pagkakataon na magkasama-sama ngayong Kapaskuhan dahil sa pagkakaroon ng pandemya. “Masaya naman kami. Thankful kami pareho na kahit hindi namin nakakasama ‘yung both families namin kasi nasa Mindanao nga sila. At least meron kaming isa’t isa na makakasama,” makahulugang pahayag ni KZ.

Samantala, aktibo ang mag-asawa sa pagtulong sa kanilang church community ngayon. Sa pamamagitan ng mga ginawang music video ay nakalilikom ng pondo sina KZ at TJ para makatulong. “Sana suportahan n’yo ‘yung mga music videos ng mga kanta namin. Kasi ‘yung mga music videos na ‘yon ay monetized at ang kikitain ay ido-donate sa Inspire Church Metro so please suportahan n’yo po. Stream n’yo po ‘yung music, if you watch our videos, everything will go to our church. Kasi gusto rin namin sila tulungan sa panahon ngayon,” pagbabahagi ng singer.

(Reports from JCC)

JAMIE RIVERA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with