Kasalang Luis at Jessy, nilinaw na
Luis at Jessy

Kasalang Luis at Jessy, nilinaw na

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2020 - 12:00am

Dahil sa sinabi ni Congresswoman Vilma Santos na sa palagay niya hindi magtatagal ay pakakasalan na ng kanyang anak na si Luis Manzano ang syotang si Jessy Mendiola, tapos nadagdagan pa ng mga nasabi naman ni Vivian Velez na kaanak naman ni Jessy, naniwala ang mga tao na mangyayari nga agad-agad ang kasalan.

Kaya nga binabantayan ng halos lahat ang kanilang mga kilos, maging ang kanilang posts sa social media, dahil gusto nilang sila na ang mauna sa pagbabalita sa mga plano noong dalawa. Na minsan nagreresulta ng fake news.

Nitong nakaraang linggo, may posts si Jessy na picture ng kanyang kamay na may suot na singsing, at agad na nagkaroon ng conclusion ang ilan na iyon na ang engagement ring nila ni Luis. Nasundan pa iyon ng isang post naman ni Kat Perez Rubio kung saan nagfi-fit daw si Jessy ng isang wedding gown, at mabilis na naman ang conclusion na malapit na ang kasal dahil may wedding gown na eh.

Pero mabilis na nilinaw iyon, mayroon palang inihahandang bridal fashion show si Kat Perez Rubio at si Jessy ay isa lamang sa kanyang mga modelo.

Mali na naman ang conclusion ng mga social media fake news writers. Kasi naman masyado silang nagmamadali eh.

Naniniwala kami na kung may balak na ngang pakasal sina Jessy at Luis, sila mismo ang gagawa ng announcement tungkol diyan. Hindi naman nila dapat pangunahan ang dalawa.

Bakit nga ba tayong mga Pinoy ay masyadong makulit. Hindi natin magawang hintayin iyong mga may katawan mismo ang magsalita.

Pero naniniwala rin kami na mukhang sa kasalan na nga babagsak iyan.

Una, mukhang ngayon ay masyadong seryoso na si Luis. Ikalawa kapansin-pansin na present si Jessy sa lahat ng mga okasyon sa pamilya ni Luis.

Doon na nga papunta iyan.

April Boy, umaminG nalimutan ang Diyos nung sumikat

Nakakabagbag ng loob ang ginawang replay ni Jessica Soho sa kanyang huling interview kay April Boy Regino matapos na siya ay pumanaw noong Linggo ng madaling araw.

Doon sa interview ay inamin ni April Boy ang kanyang pinagmulan at kung papaano nadiskubre na puwede siyang kumanta. Sa pagtitinda raw niya ng mga kakanin at banana cue, kailangan niyang kumanta para marami ang bumili at maubos ang lahat ng kanyang paninda. Tapos sumali na siya sa mga amateur contest sa kung saan-saan.

Noong siya ay sumikat, inamin niyang lumaki ang kanyang ulo, at akala niya ay wala nang katapusan ang lahat, hanggang sa magkasakit siya. Gumaling naman ang cancer niya, pero pagkatapos noon dahil sa kanyang diabetes ay nabulag naman ang isa niyang mata. Noon lang daw niya naisip na balewala ang lahat sa buhay kung wala ang Diyos. Doon siya bumaling sa Diyos.

Very inspiring ang kanyang istorya, kagaya rin ng kanyang mga kanta. Sayang at sa murang edad na 59 ay nawala na siya.

Sa mga nagmamahal sa kanya at sa kanyang musika, tiyak na ang sinasabi nila ngayon ay “hindi ko kayang tanggapin,” pero ganoon lang talaga ang buhay.

Dating sikat na male model, nilalampasan na lang

Nasalubong namin noong isang araw ang isang dating sikat na male model, na nagtangka rin namang mag-artista sa pelikula at telebisyon. Pero nakakagulat, kung noong araw napakalakas ng kanyang dating na lahat ng nakakasalubong niya ay nakatingin sa kanya, ngayon tila hindi na siya pinapansin.

Ganoon nga yata talaga lalo na sa kanilang propesyon, basta may dumating nang mga bagong star, mawawala na ang dati. Sayang.

JESSY MENDIOLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with