^

PSN Showbiz

Snatchers walang sinasanto, Sec. Bello pinatos

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Snatchers walang sinasanto, Sec. Bello pinatos
Sec. Bello

Natawa naman ako sa balita na naagawan ng cellphone si Labor Sec. Silvestre Bello III. Nakakatawa dahil isang mataas na opisyal walang takot na ini-snatch ang gamit?

Ang tapang ng snatcher ha, at malapit pa sa Manila City Hall nangyari.

Hanga ako sa mga pagbabago na ginagawa ng masipag na mayor ng Manila na si Isko Moreno, nakita ko rin ang visibility ng maraming pulis, kaya para namang hindi ako makapaniwala na mangyayari itong snat­ching kay Sec. Bello sa mismong lugar na malapit sa Manila City Hall.

Ang ganda na nga ng lugar mula nang malinis ang parte kung saan nandoon si Andres Bonifacio na ngayon may ilaw at maliwanag na.

Talagang kapit sa patalim ngayon ang marami dahil nga siguro sa rami ng nawalan ng trabaho.

Pero sana, gawin pa ring safe ang mga lugar na dapat hindi ka matakot maglakad para makagawian na ng tao na mag-walking kesa sumakay sa sasakyan.

Hay naku, hayan ha, kahit opisyal naagawan ng cellphone, kaya ingat-ingat noh, lalo ‘pag mamahalin ang gamit mo.

Take It… tuloy lang sa pagpapasaya

 Take It… Per Minute Me Ganun na naman tayo ngayong araw Salve, 12 to 1 ng hapon sa Facebook at Youtube pages ng Pilipino Star NGAYON.

Sana naman patuloy tayong panoorin ng followers natin dahil talaga namang lahat tayo ay happy sa ating maliit na show.

Sure ako na isang oras na namang katatawanan ang mangyayari sa atin lalo pa nga at parang puno ng small away-away ang paligid ngayon, dahil siguro imagine, sa tagal na ng pandemic kaya ‘yung boredom nasa mataas na level na kaya madali nang sumabog.

Eh tayo naman happy-happy lang ang tingin sa paligid. Kasi ‘pag mahirap na ang buhay at dadagdagan mo pa ng gulo, mas bibigat, kaya cool lang, take each day one at a time, huwag sabay-sabay, magulo.

Kaya kami nina Cristy Fermin at Mr. Fu, ok lang kahit ano ang nandiyan, tatanggapin lang namin nang walang problema.

 

vuukle comment

SILVESTRE BELLO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with