Mukha ni Iza, halos mabasag sa sampal ni Maricel
Maricel at Iza

Mukha ni Iza, halos mabasag sa sampal ni Maricel

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2020 - 12:00am

Grabe rin ang pagtanggap ng viewers sa Ang Iyo Ay Akin nina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Maricel Soriano and Sam Milby.

Parang kelan lang nang magkaroon sila ng press launching pero ito at nasa Book 2 na sila.

At matitindi ang magaganap na mga eksena sa pinapanood nilang trailer sa virtual media confe­rence last weekend sa Book 2 na nairaos nila sa new normal setup.

Bukod kina Jodi at Iza, inaaba­ngan din talaga ang eksena ni Maricel na walang kupas ang husay sa mga sampalan.

Pero sabi nga ni Maricel kung ano lang naman ang pinagagawa sa kanya ng director, ‘yun lang ang ginagawa niya.

Banggit ni Direk FM Reyes ng AIAA, kita niya ang malalim na investment ng emosyon ng mga artista niya.

Minsan daw si Jodi pagkatapos ng isang eksena ay nanginginig, umiiyak kahit nag-cut na siya. Si Maricel ay ganun din at shaking dahil nga malalim ang naging pagtanggap nila sa mga character nila kaya pakiramdam ni Direk FM ay hiyang-hiya siya.

During the virtual presscon din ay pinakita ni Maricel ang peklat sa makinis niyang tuhod nang habulin niya ang umaandar na sasak­yan ni Jodi sa isang eksena.

Kita nga ang tunay na dugo sa tuhod ng award winning actress. “Ayan ayan ang peklat,” sabay pakita ni Marya sa kanyang tuhod sa Zoom confe­rence.

Pero bumawi naman siya sa sampal kay Iza sa isang eksena na ramdam ang lagapak ng kanyang kamay na sabi ng ibang viewers ay napunta sa ibang bahagi ng mukha ni Iza ang kanyang lipstick.

Nauna na ring sumabog ang mga emosyon sa harapan nina Jodi at Iza na nauwi sa matinding sampalan at hagisan ng basahan.

Kaya naman dalang-dala ang mga manonood sa pinakahihintay nilang komprontasyon ng mga bida ng Ang Sa Iyo Ay Akin.

At sa pagbubukas ng bagong yugto ng serye, papasok na ang mga karakter nina Grae Fernandez, Kira Balinger, Rita Avila, at Joseph Marco.

IZA CALZADO MARICEL SORIANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with