^

PSN Showbiz

Nagpanggap na lalaki noon gustong tumikim ng sexy star, mga dating ka-tropa hindi nagkaroon ng idea sa kabaklaan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa isang lock-in taping para sa isang maaksiyong programa ay palaging nagkakabiruan ang mga lalaking presonalidad. Birong-totoo ‘yun dahil madalas pala nilang nakakasama sa pelikula nu’n ang nagpapakontrobersiyal na dating klosetang aktor.

Nagkakantiyawan ang tropa, baka raw kasi isang araw ay sila na ang sangkot sa vlog ng transgender nang personalidad, patay tayo d’yan ang paborito nilang komento.

Pag-alala ng isang source, “Kinakabahan talaga sila dahil nu’n palang nakakatrabaho nila sa mga action movies ang male personality na ‘yun, e, nagpapaka-close sa kanila!

“Naaalala pa nila na kapag break time nila, e, nakikikumpol sa kanila ‘yung male personality na kloseta! Feeling close daw sa kanila ang hitad, kaya baka kapag wala na siyang mai-vlog, e, pangalanan niya ang mga action stars na kiyemeng nakasama rin niya sa panandaliang kaligayahan!” humahalakhak na kuwento ng aming source.

Nawiwindang ang tropa dahil nu’n daw, kung makapagkuwento ang klo­setang aktor ay palaging magagandang babae ang kanyang bukambibig, pero kabaligtaran naman pala ‘yun.

Tawa nang tawang kuwento uli ng aming impormante, “Nakakaloka naman kasi ‘yun! Kuwento siya nang kuwento tungkol sa magagandang babae, pero ang hanap niya naman pala, e, lalaki!

“Nagkuwento pa raw nu’n ang klosetang ‘yun na gusto niyang makasama sa kama ang isang sexy star na palaban! Masarap daw ikama ang girl na ‘yun dahil siguradong pahihirapan din niya sa kama!

“Juice colored! Pero iba naman pala ang naglalaro sa utak niya habang nagkukuwento, lalaki pala ang gusto niya at hindi naman babae!

“Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ganyan na siya ngayon, e, ang pagkakilala sa lahi nila, e, mga playboy! Bruskong-brusko sila, di ba, kaya sino ang mag-iisip na magiging girl pala siya pagdating ng panahon?

“Naku, huwag na huwag niyang gagawin sa mga nakasama niyang action stars ang ginagawa niya ngayon sa isang sikat na male personality!

“Baka makakita siya ng mga stars na wala sa langit! Huwag na huwag, maghunos-dili siya, dahil baka makita niya ang hinahanap niya!” tawa pa rin nang tawang pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Mga pulitikong tiwali, humanda na

Ted apat na oras ang programa!

Selyado na ang kontratang pinirmahan ng magaling na broadcaster na si Ted Failon at ng mga ehekutibo ng TV5. Wala nang urungan ito.

Plantsado na ang programang gagawin niya sa Radyo Singko, 92.3 News FM, kasama ang matagal na niyang kabig na si DJ Chacha. Apat na oras tuwing umaga ang nakaplantilyang oras ng kanilang programa sa Radyo Singko.

Natural lang na kapag may bagong pesonalidad na papasok ay magkaroon ng mga pagbabago sa programming. Ang tanong ng marami, kani-kaninong programa kaya ang mawawala o mauurong ng oras, para maibigay kay Kuyang Ted.

Isang napakalaking karagdagan sa Radyo Singko ang pagdating ni Ted Failon dahil matindi na ang kanyang napatunayan sa tatlong dekadang paglilingkod niya nang tapat sa DZMM ng ABS-CBN.

Nanatili siyang nakikipaglaban para sa kanyang paninindigan, isang dating pangulo pa nga ang nagtangkang ipatanggal siya sa puwesto dahil sa mga opinyong pinakakawalan niya sa kanyang programa, pero hindi ito nagtagumpay.

Hindi natinag si Ted Failon sa kanyang paniniwala, inilalantad niya ang mga katiwaliang nagaganap, palaging ang kapakanan ng ­ating mga kababayan ang una para sa kanya.

Tabi-tabi na lang sa mga tiwaling pulitiko, sorry na lang sa mga opisyal ng pamahalaan na gina­gamit ang kanilang kapangyarihan sa pangungurakot ng pera ng bayan, nandito na uli si Ted Failon!

Maraming kaibigan ang tumatawag sa amin, winewelkam nila sa Radyo Singko ang maga­ling na broadcaster, hindi na raw sila maglilipat ng istasyon ngayong Kapatid na si Ted Failon.

Aba, may Raffy Tulfo na ang Radyo Singko na matagumpay, kakambalan pa ito ng isang Ted Failon na wala ring inuurungan, saan pa nga naman tayo?

Siguradong tumatayo na ang mga balahibo ngayon ng mga pulitikong hindi tapat sa sinum­paan nilang tungkulin. Babalahibuhan sila ni Ted, ilalantad niya ang mga katiwaliang suportado ng mga ebidensiya, kaya wala silang lusot!

Iniingatan ni Ted Failon ang kanyang propes­yon, hindi niya ibinebenta ang kanyang mga atake, kung gaano siya katinding bumira sa mga tiwali ay ganu’n din kabukas ang kanyang bibig sa pagpuri sa mga taong-pamahalaan kapag wasto ang kanilang ginagawa para sa ating bayan.

vuukle comment

UBOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with