Mark, itinangging walang pera!
Mark
STAR/ File
Mark, itinangging walang pera!
TAKE IT TAKE IT! - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - August 10, 2020 - 12:00am

Naku, Salve, tumawag si Mark Anthony Fernandez at ipinaliwanag kung bakit nakikitira siya sa bahay ng isang kaibigan.

Nag-away pala sila ng pangalawa niyang asawa na nagbago raw ang pakikitungo sa kanya mula nang bigyan niya ng pera. At hindi raw totoo na wala na siyang pera dahil meron siyang 10 pictures contract sa Viva.

Sabi ko naman, mabuti kung maayos naman ang lagay niya at sana nga ay maayos na rin ang problema niya dahil he is not getting any younger.  Matanda na siya at dapat may direksiyon na ang buhay niya.

Saka bakit kailangan niyang makitira sa bahay ng kaibigan? ‘Di ba dapat meron siyang sariling bahay at doon siya tumuloy? Pero kung iyon ang mas gusto niya, ok lang pero sana nga ay hindi na madagdagan pa ng problema ang kalagayan niya. Sana naman ay huwag siya ‘yung case ng getting older refusing to grow up.

Sana as he gets older, the better Mark Anthony Fernandez will emerge.

Hanggang kailan ang taping?

Naku ha, grabe ang tamad overload ko na parang walang motivation kahit man lang sa Instagram.

Para bang kahit ano pang sabihin natin o gawin ay heto wala pa rin tayong magawa dahil nandiyan ang COVID-19. Mukhang hanggang saan pa ba aandar eh heto wala naman tayong nakikitang silver lining, mukha talagang dark clouds lang ang lahat.

Tuloy na nga ang mga taping ng mga serye, totoo ring malakas ang loob na magsimula ng projects, pero hanggang saan at hanggang kailan?

Nakiki-cooperate ang mga artista, ok ang price cut, ok ang lock-in, ok ang lahat ng request ng production, pero hindi mo pa rin alam kung hanggang kailan.

Lahat nagnanais makabangon, lahat gustong bumalik sa normal, sana nga ang lahat ng sakri­pisyo ay magkaroon ng magandang resulta.

Sige lang, para buhay pa rin ang showbiz.

MARK FERNANDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with