Baron
Baron, dumaranas ng depresyon
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 30, 2020 - 12:00am

Mag-isa lamang si Baron Geisler na naninirahan ngayon sa isang condominium unit sa Quezon City. Pauwi dapat ang aktor sa kanyang mag-inang naninirahan sa Cebu nang ipatupad ang community quarantine sa buong Luzon noong Marso. Dahil sa pangungulila sa asawa at anak ay nakararanas umano ng depresyon ngayon si Baron. “Medyo aminado ako sa ngayon na tinatamaan talaga ako ng depression dahil nami-miss ko ‘yung anak ko. Nami-miss ko ‘yung asawa ko. Mag-isa lang ako sa Quezon City pero laban lang. Kailangan nating maging matibay. Kailangan nating lumaban kasi mababaliw ka lang eh, nakakabaliw lang itong sitwasyon natin. Natutuwa naman ako at nagpapasalamat na mayroong Diyos at nakakausap ko rin ‘yung pamilya ko araw-araw at nando’n ‘yung suporta. Pero may hangganan ang kalakasan minsan ng tao, bumibigay din. Nagpapasalamat ako sa mga kapatid ko, sobrang bait nila. Grabe din ‘yung suporta,”  pagbabahagi ni Baron.

Kahit na nagiging emosyonal ang aktor sa social media ay nilinaw namang hindi siya humihingi ng tulong o simpatya sa mga tao. “I’m just like any normal human being who would feel the same way. Naiisip-isip ko nga eh, buti pa ‘yung mga tao sa Bulacan may kasama. Ako may aircon nga dito pero mag-isa ka. Sana magkaroon ng chartered (flight) kaysa buksan ‘yung mall.

“Sana buksan din pati airport. Gusto ko nang makita ang anak ko. Kung ikaw ba naman ilang buwan kang mag-isa.  Sasabihin ng mga tao, I’m drunk, ganito-ganyan, hindi eh. Ito ang nangyayari talaga. Siguro magmahalan na lang, pero may hope. Nariyan ang pagdadasal, nandiyan ang Diyos anytime. Nagulat nga ako na may nagpadala ng pagkain, ng groceries na hindi ko in-expect na may mga taong ganyan na hindi magpapakilala. Sana magpakilala kayo para mapasalamatan ko kayo ng tama,” paglalahad ng aktor.

Jake at Kylie, mas tumibay ang pagsasama

Mahigit dalawang buwan nang magkasama sa isang condominium unit sina Kylie Versoza at Jake Cuenca dahil sa pagpapatupad ng community quarantine sa Kamaynilaan. Ayon sa aktor ay mas tumibay ngayon ang relasyon nilang magkasintahan dahil magkasama sila sa araw-araw. “Actually mas nag-strengthen ‘yung relationship namin through everything sa totoo lang. Sa akin parang this was the time na although challenging kasi ang daming nangyayari, but this was also the time na siya lang talaga ‘yung iniisip ko. All my attention was solely on her,” pagtatapat ni Jake.

Nakasanayan ng magkasintahan na palaging nasa labas silang pareho dahil sa trabahong ginagawa sa araw-araw. Para kay Jake ay malaking bagay na nakapagpahinga sila ngayon ni Kylie at hindi puro trabaho lamang ang kanilang iniisip. “Usually kasi when we’re on a work schedule, when we’re shooting, when you go home from taping or filming, subconsciously you’re already there eh. As an actor you’re already planning your scenes, you’re already planning all these things and in the lockdown, I was able to put that all aside and just focus on our relationship. So I would say that the lockdown has made us definitely stronger,” paliwanag ng aktor. Reports from JCC

 

BARON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with