Janno magiging busy
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - January 8, 2020 - 12:00am

Seen: Hindi pa sinasagot ni Jeric Gonzales ang isyu na naghiwalay sila ng kanyang karelasyon dahil sa rumored relationship nila ni Sheryl Cruz, ang gumaganap na lover niya sa Magkaagaw, ang afternoon drama series ng GMA 7. Si Sheryl ang inaakusahan na kaagaw kay Jeric.

Scene: Ang balita na maraming pagbabago ang mangyayari sa buhay ni Jeric Gonzales dahil sa paghihiwalay nila ng dating karelasyon niya. Matagal nang single si Sheryl Cruz kaya walang magiging problema kung totoo man na nagkakagustuhan sila ni Jeric.

Seen: Aliw na aliw ang It’s Showtime viewers kay Aaron Sunga, ang bibo at madaldal na 6-year-old na  “co-host” nina Vice Ganda at Catriona Gray sa Mini Miss U segment ng noontime program ng ABS-CBN. Yorme ang tawag kay Aaron dahil  hindi ito nawawalan ng sagot sa mga tanong sa kanya.

SCENE: May presscon ngayong hapon ang MMDA at 45th Metro Manila Film Festival officials at inaasahan na ihahayag nila sa publiko ang box office gross at ranking ng walong pelikula na kalahok na opisyal na nagsimula noong December 25, 2019 at natapos kahapon, January 7, 2019.

SEEN: Dahil sa pagwawakas ng 45th Metro Manila Film Festival, ibabalik sa cinemas nationwide ang Star Wars: The Rise of Skywalker na unang ipinalabas sa mga sinehan sa Pilipinas noong December 20, 2019 hanggang December 22, 2019.

SCENE: Now it can be told. May special participation dapat si Janno Gibbs sa Miracle in Cell No.7 pero nagkaroon ng mga pagbabago sa plano kaya si Ronnie Lazaro ang ipinalit sa kanya. Isang imbestigador ang role ni Ronnie sa blockbuster movie ng Viva Films.

SEEN: Si Janno Gibbs ang co-star ni Dingdong Dantes sa A Hard Day, siya ang bida sa superhero movie na Mang Jose at sa Philippine adaptation ng isang hit Korean movie. Magiging busy ngayong 2020 si Janno.

JERIC GONZALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with