^

PSN Showbiz

Devon pinupuri ang ‘Pinas!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Devon pinupuri ang âPinas!
Devon

SEEN: Nababanggit ang pangalan ni Nadine Lustre dahil sa box-office success ng Miracle in Cell No.7. Nanghihinayang ang fans niya dahil nag-back out siya sa project kaya si Bela Padilla ang ipinalit sa kanya.

SCENE: Hindi pabor kay Nadine Lustre ang mga komento tungkol sa kanyang sexy photo na may caption na “I can’t be who you want” na inilabas niya sa Instagram noong araw ng Pasko.

SEEN: Nagdiwang ng Pasko sa Pilipinas ang former Hollywood heartthrob na si Devon Sawa at ang kanyang pamilya. Hindi matapus-tapos ang mga papuri ni Devon sa ating bansa. Aniya, “ I hope that the Philippines stays the way it is. It’s still perfect, like Vietnam.”

SCENE: Magaganap ngayong gabi sa New Frontier Theater ang Gabi ng Parangal ng 45th Metro Manila Film Festival.

SEEN: Nagkakaisa ang lahat ng mga nakapanood ng Miracle in Cell No.7 na deserving si Aga Muhlach na manalo ng best actor trophy sa awards night ng 45th MMFF sa pagganap bilang Joselito Gopez, ang mentally-challenged father na inakusahan ng isang krimen.

SCENE: Hindi lamang ang mga nanalo ng tatlong beses sa iba’t ibang kategorya ng MMFF awards night ang iluluklok sa Hall of  Fame dahil gagawaran din ng parangal ngayong gabi sina former President Joseph Estrada, Marichu Vera Perez-Maceda, Boots Anson Rodrigo at Bien Lumbera bilang MMFF Stalwarts.

DEVON SAWA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with