Miss South Africa bagong Miss Universe
Miss South Africa
Miss South Africa bagong Miss Universe
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 10, 2019 - 12:00am

Gazini muntik pang maagawan ng Best In National Costume!

MANILA, Philippines — Sabog ang social media sa ginanap na coronation ng Miss Universe sa Tyler Perry Studios sa Atlanta, Georgia, USA kahapon ng umaga. Sadly, hanggang Top 20 lang umabot ang panlaban nating si Gazini Ganados pero pinasalamatan pa rin siya dahil nakita namang ginawa niya ang lahat para  tularan sana ang kapalaran ni Catriona Gray last year kahit hinulaan siya noon pa na mahirap daw sa Pilipinas ang back-to-back win sa 69th Miss Universe.

Nanalo naman si Gazini sa Best in National Costume na nagkaroon pa ng kaguluhan matapos ang announcement ng host na si Steve Harvey - Miss Philippines ang tinawag at photo sa screen pero si Miss Malaysia Shweta Sekhon ang nasa stage at nasa tabi ng host.

Pero siya rin naman ang nag-korek na “@IAmSteveHarvey had it right: Miss Universe Philippines Gazini Ganados is the winner of the #MissUniverse2019 National Costume competition! Congratulations, Gazini. ”

Umaapela pa raw si Miss Malaysia na “It’s not Philippines, it’s Malaysia.”

Pero dumepensa ang host na “Well… let me explain something to you. I just read that in a teleprompter.

“You all quit doing this to me. I can read this. They are trying to fix it now. This is what they did to me back in 2015,” na ang tinutukoy ay ang mali niyang announcement sa nanalong 2015 Miss Universe na si Pia Wurztbach pero ang tinawag niya ay si Miss Colombia Ariadna Gutiérrez.

“This is Malaysia, I really love this National Costume of Malaysia. This is crazy,”  ang dagdag na lang na sabi ng host sa pangalawang beses na pagkakamali kaya  nabastusan ang maraming netizens dahil literal daw pinag­laruan ang ating kandidata.

As of this writing ay wala pang comment si Gazini sa nangyaring kalituhan pero nagpasalamat at proud siya sa pagkakasali sa Top 20.

 “I was very proud, kasi nakapasok tayo sa top 20. I just did all my best. I couldn’t have had it any other way. I couldn’t do anything anymore because what’s done is done. The only thing to do now is to celebrate. We got into the top 20. That’s a hard thing to do, over 90 gorgeous, unique girls out there,” sabi niya sa interview ng ABS-CBN.com.

Gawa ni Cary Santiago ang eagle inspired national costume ni Gazini na nagpanalo sa kanya.

Si  Miss South Africa Zozibini Tunzi nga ang bagong Miss Universe at nilipatan ng korona ni 2018 Miss Universe Catriona Gray na Miss South Africa rin ang pinanggalingan ng korona last year, si Demi-Leigh Nel-Peters na Miss Universe 2017.

Kinabiliban si Zozibini Tunzi sa elimination pa lang, evening gown, swimsuit, at final round sa tanong kung bakit siya ang kailangang manalo.

 “I grew up in a world where a woman who looks like me — with my kind of skin and my kind of hair — was never considered to be beautiful. I think it is time that stops today. I want children to look at me and see my face and I want them to see their faces reflected in mine.”

Nakalaban niya sa top 3 sina Miss Mexico and Miss Puerto Rico.

Pagkatapos koronahan ay nag-tweet ang bagong Miss Universe : “Tonight a door was opened and I could not be more grateful to have been the one to have walked through it.

“May every little girl who witnessed this moment forever believe in the power of her dreams and may they see their faces reflected in mine.

“I am #MissUniverse2019.”

Samantala, ang former beauty queen na si Shamcey Supsup na ang mamahala sa susunod na lalahok sa Miss Universe base sa kanilang statement. Si Shamcey ang National Director ng Miss Universe Philippines Organization pero walang mention sa pangalan ni Mayor Chavit Singson though common knowledge na siya ang owner ng MUP na noon pa nabalitang nakakuha ng franchise nito sa bansa.

 More than 50 years na hinawakan ng Araneta Group and Binibining Pilipinas Charities, Inc ang Binibining Pilipinas - Universe.  

MISS UNIVERSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with