Arnell at Marlo binibigyan ng malisya!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inintriga sina Arnell Ignacio at Marlo Mortel sa nakaraang mediacon ng pelikulang Damaso na magsu-showing na ngayong araw.

Sabi kasi ni Arnell, matagal na niyang kilala ang Daddy ni Marlo, at natutuwa rin daw siya sa Kapamilya actor/singer.

Ngayong nagsama sila sa Damaso, doon niya nakilala si Marlo at na-impress siya sa dedication nito sa trabaho. Pinaglaruan namin si Arnell at inintriga kung nagkaroon ba sila ng past ng Daddy ni Marlo o kung type ba niyang magka-present sa anak.“Huwag n’yo namang dungisan ang napakaganda kong hangarin na magkakaroon lamang ng magandang palitan ng paliwanagan sa nakakabatang miyembro ng industriya choz!,” natatawang sagot ni Arnell sa amin.

Natutuwa lang daw siya dito sa Damaso dahil magagaling ang mga co-stars niya at dito nga niya nakitang magaling palang kumanta si Marlo.

Hanggang dun lang daw.

Nabuhay na libel ni Erik kay Jobert Pinagdududahan

Nagtaka kami bakit ngayon lang lumabas ang isyung nag-bargaining plea si Jobert Sucaldito sa kasong Cyber-libel na isinampa nina Ericson Raymundo at Erik Santos laban sa kanya.

Matagal ko nang nabalitaan ito at inamin naman sa akin noon pa ni Jobert para matapos na lang ang kasong ito.

From Cyber Libel, bumaba sa simpleng libel na lang para puwede niyang i-apply for parole sa Probation officer.

Tinanong ko ang kampo ni Erik tungkol dito, ayaw nilang magkomento dahil hindi pa raw puwedeng magsalita. Kaya kahit sila rin ay nagulat kung bakit lumabas ang ganitong balita.

Tinawagan ko si Atty. Joji Alonzo na legal counsel nina Erik, nagtaka rin daw siya bakit lumabas ito, gayung matagal nang nag-plea ng guilty si Jobert sa kasong Libel.

Hindi raw sila puwedeng magsalita pa dahil hinihintay lang nilang ma-approve ng Probation officer ang ni-request na probation ni Jobert.

Kapag na-approve na ang probation, doon pa lang sila puwedeng magbigay ng pahayag kaugnay dito.

Kaya definitely, hindi raw sa kanila nanggaling ang naturang balita.

Sinubukan kong tinawagan at tinext si Jobert para klaruhin din ang isyung ito, pero hindi pa siya sumasagot as of presstime.

Medyo namamalisyahan lang kasi kami na sa gitna ng mainit na isyung walk-out ni Morissette Amon sa birthday concert ni Kiel Alo na prinodyus ni Jobert, biglang lumitaw ang ganitong balita.

Sino ngayon ang naglabas ng isyung ito na matagal nang ginawa ni Jobert?

May kinalaman kaya ito sa isyu ni Morissette para maligaw lang ang usapan? 

JBK sasabak sa sexy image

Kapag singers ang humaharap sa press, lagi nang natatanong kung kaya ba nilang mag-walkout sa isang concert, kahit committed na silang mag-perform.

Isa ito sa tinanong sa trio na JBK na sina Joshua Bulot, Bryan del Rosario at Kim Ordonio na sa ilang taon pa lang nilang pagpi-perform, nagawa na ba nilang mag-walkout sa isang guesting o kahit na anong performance. “Ay hindi naman po namin gagawin iyun,” pakli ni Joshua.

“Si Nicole Scherzinger ang nag-walkout nang hindi po kami napili sa X Factor UK,” dugtong naman ni Bryan.

Nakatsikahan namin ang trio na JBK kahapon sa mediacon ng  pinu-promote nilang Anestisya na prinodyus ng Rider PH Studio.

Muling napag-usapan ang karanasan nila sa pagsali sa X Factor UK na kung saan napansin sila roon.

Sayang nga at hindi sila umabot sa finals, dahil ang all-girl group na Lemonade ang pinili ni Simon Cowell.

Kaagad nag-walkout ang isa sa mga judge na si Nicole Scherzinger nang hindi ang JBK ang napili.

Masakit man sa kanilang tatlo pero tanggap na nila at nagsilbing challenge sa kanila ito para lalo nilang ipagpursige ang kanilang music career.

Pinasikat nila ang kantang Anestisya na nominado bilang Most Favorite Pop Boy Group of the Year ng Ppop Awards 2019.

Ongoing pa ang botohan na kung saan matindi rin ang kalaban nila. Pero malaki rin ang nagawa ng kantang Anestisya na nasa top five na ngayon sa radio chart kahit isang buwan pa lang itong na-release.

By 2020, magiging sexy na ang image ng kanilang grupo na mala-Spanish group na CNCO at tipo ni Enrique Iglesias.

May limang kanta silang iri-record na sexy ang dating at ganun na rin ang image nila.

ARNELL IGNACIO MARLO MORTEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with