Gil Cuerva
Lovi wanted kay Gil
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Gustong makatrabaho ng Kapuso actor na si Gil Cuerva si Lovi Poe.

Yup, pero parang wala yata sa plano ng sexy actress na mag-concentrate  sa trabaho. Obvious na mas busy siya sa kanyang lovelife.

Panay ang travel ng sexy actress para makapiling ang sinasabing boyfriend nito na si Montgomery Blencowe na diumano’y isang British na ngayon ay executive producer sa Los Angeles.

Si Gil ang naging guest kahapon sa no. 1 digital talkshow na Take It... Per Minute (Me Ganun) nina Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu sa Facebook Page ng Pilipino Star NGAYON every Tuesday 12:00 to 1:00 p.m.

Isa rin sa gustong gawin ni Gil ay ang magdirek ng pelikula. Pero ang plano, siya rin ang magsulat ng script.

Busy ngayon si Gil sa Beautiful Justice kung saan isa siya sa mga bida sa drama action series ng GMA.

Eh teka, willing ba siyang ipagupit ang kanyang long hair?  Baka naman nali-limit ang role dahil sa buhok niya? Ayon sa actor, handa siyang ipaputol ito kung kailangan.

Girlfriend niya ngayon ang model / TV host na si Kim Cruz.

Anyway, tulad every Tuesday, masaya ang episode kahapon na pinag-usapan sina Angel Locsin, Bea Alonzo, at siyempre ang not so blind items na laging pinapangalanan ni Nay Lolit.

Naku palong-palo sa viewers ang kanilang blind items.

Kaya kung gusto n’yong maaliw lalo na ang mga nasa abroad nating kababayan, maki-Team Replay na kayo sa Take It... Per Minute sa Pilipino Star NGAYON Facebook page.

GIL CUERVA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with