Joshua nakasuporta kina Julia at Gerald!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - April 21, 2019 - 12:00am

Suportado ni Joshua Garcia ang tambalan ng kasintahang si Julia Barretto at Gerald Anderson. Mapapanood na simula May 15 ang pelikulang Between Maybes na pinagbibidahan ng dalawa. “Si Joshua and I, we already have talked about being also open to do solo films and projects and we both acknowledged naman na it’s for our own growth. So it’s a mutual decision. It’s not something we just jumped to do, pinag-usapan. So I didn’t hesitate to do this both Joshua and I are in same page. He’s also doing his solo film,” pagbabahagi ni Julia.

Samantala, sa ngayon ay usap-usapan pa rin kung sino ang papalit kay Liza Soberano bilang pinakabagong gaganap na Darna sa pelikula. Kung sakaling iaalok daw ang role kay Julia ay buong-puso niyang tatanggapin ito. “I’d do it. If there are auditions, I go that audition in panty and bra just to do the thing,” natatawang pahayag ng dalaga.

Malaki ang pasasalamat ni Julia sa mga tagahangang nagsasabi na bagay siyang gumanap bilang Darna. “Thank you so much for thinking about me. I mean that’s a huge thing,” pagtatapos niya.

Miles updated sa nangyayari kay John Lloyd

Pansamantalang mawawala si Piolo Pascual sa Home Sweetie Home dahil mag-aaral ang aktor sa ibang bansa. Bulung-bulungan ngayon ang posibleng pagbabalik ni John Lloyd Cruz sa nasabing sitcom. Napasok ang karakter ni Piolo mula nang umalis sa programa si John Lloyd noong 2017.

Kabilang si Miles Ocampo sa programa kaya naman nagbigay ng reaksyon ang dalaga tungkol sa napababalitang pagbabalik diumano ni John Lloyd dahil sa pag-alis ni Piolo. “Nag-give way si Piolo? Sabi ko hindi naman kasi wala pa naman kaming nababalitaan na gano’n. Nakakausap ko naman si kuya Lloydie pero hindi kasi ako nagtatanong ng anything related sa trabaho kasi nahihiya ako. Pero nagkakamustahan kami, okay naman. Masaya naman siya,” nakangiting pahayag ni Miles.

Ayon sa aktres ay mayroong mga bagong karakter na papasok sa kanilang programa kapag wala na si Piolo. “Nagre-reformat ‘yung show namin. May mga bagong papasok sa pamilya namin. Sobrang thankful lang talaga ako na tuloy pa rin ‘yung show namin,” paglalahad ng dalaga.

Samantala, abala rin si Miles ngayon para sa promotion ng pelikulang Maledicto na mapapanood na sa mga sinehan mula May 1. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakagawa ang aktres ng isang horror movie kaya nagdalawang-isip nang tanggapin ang proyekto. “Matatakutin po kasi akong tao. So no’ng sinabi sa akin na exorcism siya, nagdalawang-isip ako. Hindi ako gano’n ka-confident, baka hindi ko siya magawa nang maayos. I’ve been wanting to do something out of my comfort zone and nasanay kasi ‘yung mga tao sa ‘Goin’ Bulilit’ and pa-sweet lang. With Agnes (karakter ng aktres sa pelikula) kasi, napakita niya at nabigay lahat ng emosyon na kailangan dahil sa exorcism,” paliwanag ng aktres.  (Reports from JCC)

JOSHUA GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with