Daniel nag-solo sa out of town, Kathryn iba ang kasama nang tumanggap ng award para sa The Hows...
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - February 12, 2019 - 12:00am

Hindi kasama si Daniel Padilla na dumalo sa 3rd Film Amabassador’s Night ng FDCP (Film Development Council of the Philippines) sa pangunguna ni Chairperson Liza Diño na ginanap sa Samsung Hall ng SM Aura nung nakaraang Linggo, ng gabi.

Si Kathryn Bernardo ang tumanggap ng iginawad na parangal ng Camera Obscura sa pelikulang The Hows of Us.  Kasama niya sina direk Olivia Lamazan ng Star Cinema at Carmi Raymundo na siyang nagsulat ng pelikula.

Sinabi ni Kathryn sa kanyang acceptance speech na kinakabahan siya sa pagtanggap ng naturang award dahil first time daw niyang nakadalo sa ganung pamamahagi ng parangal.

Nagpasalamat si Kathryn sa lahat na bumuo ng The Hows of Us at pati ang leading man niyang si Daniel.

Pinagkaguluhan na si Kathryn pagkatapos ng awarding, kaya hindi na siya nakapanayam nang mabuti.

Tinanong lang siya bakit hindi niya kasama si Daniel.

“Out of town po siya ngayon. Hindi kakayanin para makauwi na. So, ako na muna ngayon,” pakli ni Kathryn.

Enrique at Liza pinagbibintangang gumigimik

Maaring bahagi lang ng promo ng pelikulang Alone/Together ang pag-amin nina Enrique Gil at Liza Soberano na two years na ang kanilang relasyon.

Hindi ko na maalala kung an o ang pinu-promote nila noon na kung saan nagkaaminan na rin pero hindi pa official. Ngayon lang talaga nagkaroon ng official announcement sa Gandang Gabi Vice nung nakaraang Linggo.

Magaling kasi magplano ang ABS-CBN 2 sa ganyan para maganda ang promo.

Sana nga effective at maganda ang kalalabasan nito sa pelikulang magsu-showing na sa February 13.

Iyun naman ang gusto ng fans ng mga sikat na loveteam. Magkatuluyan, para makita talagang may love sa isa’t isa ang sinusuportahang tandem.

Samantala, nakuha namin ang resulta ng ratings nung nakaraang Linggo, at magkaiba na naman ang resulta ng dalawang survey group.

Ayon sa survey ng GMA-7, tinalo pa rin ang GGV ng The Boobay and Tekla Show na nasa pangatlong episode na.

Medyo kabado nga raw ang mga taga-TBATS pati ang bestfriend ni Boobay dahil alam nilang may LizQuen ang programa ni Vice Ganda kaya tinodo nila ang promo sa Sunday PinaSaya.

Pero ayon naman sa sariling survey ng ABS-CBN 2, wagi naman daw ang Kapamilya shows nung Linggo.

Nasa tao na yan kung alin ang paniniwalaan nilang survey. Pero ang mahalaga magaganda ang mga prog­ramang napapanood nila at napasaya ang manonood.

Cristine gusto na ring mamundok para maka-move on!

Tinitiyak ni Ara Mina na meron siyang panahon para sa kanyang kapatid na si Cristine Reyes na kasama niyang nag-celebrate ng 30th birthday nito sa Thailand kamakailan lang.

Sabi ni Ara, kasama niya si Cristine at isa pa niyang kapatid na si Heidi na nag-celebrate naman daw ng 15th wedding anniversary nito. Kaya kasama raw ng sister nila ang asawa nito. Sina Ara at Cristine naman ang magkasama. Hindi raw nila dinala ang kani-kanilang anak dahil bonding raw talaga nilang magkakapatid.

Wala man inaamin pa si Cristine tungkol sa hiwalayan issue kay Ali Kathibi, kaya ayaw din ni Ara na magbigay ng kung ano mang pahayag pagdating sa personal na isyu ng kanyang kapatid.

“Hindi naman ako nakikialam sa kanyang lovelife eh. What you see is what you get na lang,” naka­ngi­ting pahayag ni Ara nang naka­tsikahan namin sa launching ng librong Doc Rob’s Guide to Better Health and Wellness ng kilalang Chiropractor na si Dr. Rob Walcher.

Nakikita naman daw niyang masaya si Cristine at lalong naging close daw silang magkakapatid.

“Basta pray lang whatever it is,” sabi pa ni Ara.

Ngayon ay parang type na rin daw ni Cristine sumama kay Ara sa mountain climbing.

Isa kasi ito sa pinagkakaabalahan ni Ara, at talagang nakakatanggal daw ng stress. Magandang paraan na rin ito sa pag-move on, dahil nakakalimutan mo raw ang problema kapag naka-focus ka sa pag-akyat ng bundok.

“Pag nasa bundok ka, wala kang naiisip kahit ano. Kahit business mo hindi mo naiisip. Ang iisipin mo, matapos mo, maakyat mo yung tuktok at makababa ka,” pakli ni Ara.

Sampung bundok na raw ang naakyat niya at meron na raw siyang nabuong team na tinawag niyang Super Klenk.

KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with