^

PSN Showbiz

Glaiza nasira ang buhok

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Glaiza nasira ang buhok
Glaiza

Kathryn at Daniel dinumog ng Indonesian fans

SEEN: Mainit ang pagsalubong kahapon ng Filipino at Indonesian fans kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Lumipad ang KathNiel sa Jakarta para sa international screening ng kanilang blockbuster movie na The Hows of Us.

SCENE: Si Chef Florabel Co-Yatco ang caterer sa wedding reception nina Senator Koko Pimentel at Kathryna Yu sa The Coconut Palace sa October 18. Kahapon ang food tasting nina Senator Koko at Kathryna sa isang Makati restaurant na pag-aari ni Chef Florabel.

SEEN: Tatapusin ni Glaiza de Castro ang tapings niya para sa Victor Magtanggol bago siya lumipad sa London sa September 29. One week lang na mawawala sa Pilipinas si Glaiza na plano na mag-enroll sa music production course kaya maghahanap muna siya ng music school sa London.

SCENE: Sporting a very short hair si Glaiza dahil na-da­mage ang buhok niya. Komportableng-komportable si Glaize sa kanyang wash and wear hair na nasira nang kulayan para sa mga eksena niya sa Contessa, ang nagwakas na afternoon drama series niya sa GMA 7.

SEEN: Nag-trending ang short video clip ng pagbati ni Zia Dantes ng happy birthday sa kanyang Ninang Apple, ang asawa ni Gabby Eigenmann.

SCENE: Trip to Europe ang birthday gift kay Francine Prieto ng kanyang American husband na si Frank Shotkoski. Nagdiwang si Francine ng 36th birthday noong September 17.

SCENE: Nagtatrabaho bilang sing-along master sa isang comedy bar ang aktor na si Mico Aytona. Ang video scandal na kinasangkutan niya noong 2016 ang huling balita tungkol kay Mico.

vuukle comment

GLAIZA DE CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with