^

PSN Showbiz

Coco 50% ang share sa MMFF entry

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Coco 50% ang share sa MMFF entry

Anak ni Echo nabiktima ng online scam!

SEEN: Inaasahan ang pagbabalik ni Baeby Baste sa Eat Bulaga sa linggong ito. Na-confine sa ospital si Baste at ang kanyang kapatid na si Samsam dahil sa dengue at ang buo ang pananalig ng kanilang mga magulang na gumaling sila dahil sa milagro ng Panginoon sa pamamagitan ng kanilang patron saint na si Saint Padre Pio.

SCENE: Biktima ng online selling scam si Santino Rosales, ang anak ni Jericho Rosales dahil hindi na niya nabawi ang pera na ibinayad para sa fish tank na kanyang binili pero hindi ibinigay ng online seller na Ericka dela Cruz ang pangalan.

SEEN: Paula at Tricia ang ibang mga pangalan ng certain Ericka dela Cruz na nanloko kay Santino Rosales pero lumantad ang isang babae na nagsabi na ginagamit lamang ng mga scammer ang litrato niya.

SCENE: Fifty percent ang share ni Coco Martin bilang co-producer ng Popoy En Jack: The Puliscredibles, ang official entry nila ni Vic Sotto sa 2018 Metro Manila Film Festival.

SEEN: TNVS (Transport Network Vehicle Services) driver ang role ni Kakai Bautista sa Harry & Patty, ang launching movie nila ni Ahron Villena. Suportado ng celebrity friends ni Kakai gaya nina Maja Salvador at AiAi delas Alas ang unang beses na pagbibida niya sa pelikula.

SCENE: Sa July 28 ang target date ng umpisa ng shooting ng Maria, ang action movie na pagbibidahan nina Cristine Reyes at Ivan Padilla. Direktor ng Maria si Pedring Lopez, ang direktor ng Nilalang, ang 2015 suspense thriller movie ni Cesar Montano at ng Japanese porn actress na si Maria Ozawa.

SEEN: Nagbabalik-showbiz ang former Viva Hot Babes member na si Jennifer Lee na payag pa rin na magpaseksi sa mga pelikula, basta importante sa kuwento at challenging ang role niya. Ang Maria ang comeback movie ni Jennifer.

SCENE: Kontrabida at isa sa mga rapist ang role ni CJ Caparas sa controversial movie na Jacqueline Comes Home. Puwedeng gumanap na magkapatid si CJ at ang former actor na si Jude Estrada dahil magkahawig sila.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with