Kris nag-iisip ng bagong pasabog?!

Bianca balimbing, todo like kina Kris at Korina!?

SEEN: Ang pustahan ng sutil na fans na posibleng magkabati na sina Kris Aquino at James Yap para “matal­bugan” ang  impact na nilikha ng balita tungkol sa reunion ni Jackie Forster at ng mga anak nito na si Andre at Kobe Paras.

SCENE: Si Kristel de Catalina ang kauna-unahang babae na grand winner ng Season 6 ng Pilipinas Got Talent ng ABS-CBN na ginanap noong Linggo sa Bren Z. Guiao Convention Center sa  San Fernando, Pampanga.

SEEN: Third placer sa grand finals ng Pilipinas Got Talent ang crowd favorite, ang tricycle driver na si Joven Olvido na sigurado nang magiging artista dahil kasama siya sa cast ng Metro Manila Film Festival 2018 entry ni Vice Ganda.

SEEN: Ang loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang last cover ng print edition ng YES! magazine noong April 2018 at isang Kapamilya actress ang cover girl ng huling issue ngayong Mayo ng 100 Most Beautiful  Stars.

SCENE: Si Judy Ann Santos ang cover girl ng maiden issue ng YES! magazine na lumabas noong 2000 at may circulation na 160,000.

SEEN: Ang bintang na “baligtarin” si Bianca Gonzales dahil nila-like niya pareho ang mga post nina Korina Sanchez at Kris Aquino noong panahon na mainit na mainit ang isyu tungkol sa dalawa.

SCENE: Ang franchise ng Ate Rica’s Bacsilog sa University of Makati ang negosyo ni Gerald Sibayan, ang asawa ni AiAi delas Alas. Si Gerald ang nire-request ng mga professor ng University of Makati na magluto ng kanilang mga binibili na bacon, sinangag at itlog na in-demand sa mga estudyante ng naturang school.

Show comments