^

PSN Showbiz

Nanay ng sikat na singer-actress hindi kumukupas ang kakuriputan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Wala na sa poder ng isang kilalang female personality ang dalawa niyang kasambahay. Sabay na umalis ang mga ito sa paalam na uuwi muna sa kani-kanilang probinsiya pero hindi naman pala totoo ‘yun.

May pinasukan na silang bagong pagsisilbihan, mga artista rin, kaya kumalat na parang apoy ang kuwento kung bakit sila umalis sa poder ng female personality.

Kuwento ng aming source, “Kung ‘yung girl lang ang pag-uusapan, e, wala naman sanang problema, kaya pa nilang manilbihan sa bahay ng female personality. Ang hindi nila kinaya, e, ang mga ginagawa ng mommy ng girl, ‘yun ang sinukuan nila!

“Tasado sila sa food. May budget lang na ibinibigay sa mga kasambahay para ipamalengke nila. Hindi sila kasali sa mga putaheng iniluluto ng cook para sa pamilya.

“Wala namang masama du’n, pero ang budget na pamalengke nila, e, hindi nagkakasya sa maraming bibig na kumakain. Nagpapadagdag sana sila, pero ang sagot ng mommy ng girl, hanggang du’n na lang siya.

“Kundi raw nila kayang pagkasyahin ang marketing budget nila, e, iulam na lang nila ang mga daliri nila! Kaya nangangayayat ang mga kasambahay nila, e!” unang kuwento ng aming impormante.

Bawal din nilang kainin ang kahit anong iniuuwi ng mag-ina mula sa mga show na pinupuntahan nila. Bawal. Kesa sa ipakain sa kanilang mga kasambahay ang food ay mas nanaisin pa ni mudra na mapanis o mabulok na lang ‘yun.

Patuloy ng aming source, “Maraming nagreregalo ng food sa female personality, pero hindi nila ‘yun puwedeng kainin, unless, sinabi ni mommy na ‘yun na lang ang iulam nila.

“So, kapag lechon ang nandu’n, umaga hanggang gabi, puro lechon ang ulam nila. Paksiw na lechon, pritong lechon, sinigang na lechon at iba pang mga luto na puwede sa lechon!

“Kaltas ang pamalengke nila kapag ganu’n, kapag naubos na ang lechon, saka lang sila bibigyan ng pamalengke. Kaya hindi na nila kinaya ang pagpapalakad ng mommy ng sikat na singer-actress, sumuko na sila, lumipat na sila ng pagsisilbihan.

“Grabe nga si mommy, sobrang sarado ang kanyang mga palad, samantalang milyun-milyon ang kinikita ng anak niya sa pagbirit!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Kris kinaiinisan sa panunumbat, James mas kinampihan ng madlang pipol

Hindi na kailangan pang magsayang ng laway ni James Yap para sagutin ang matitinding arya laban sa kanya ni Kris Aquino. Bakit pa, samantalang ang tumatayong PRO ng basketbolista sa pagda-damage control ay ang mga kababayan natin mismo?

At naghanap na naman ng bagong kaaway si Kris, “ang misis ni Mar Roxas,” ang pagpapalabas ni Korina Sanchez sa Rated K ng kanyang panayam kina James at Michela Cazzola ang ipinagsintir ng nasa beast mode na aktres-TV host.

Sampal daw sa kanyang mukha ang naturang feature, sabi ni Kris, sabay pag-alala at panunumbat sa misis ni Mar Roxas ng mga ginawa niyang suporta nu’ng tumakbong pangulo ang mister ni Korina.

Nag-iwan ng hindi magandang panlasa ang mga panununton ni Kris. Maraming kumontra sa kanya, may tumawag pa sa kanya ng Indian giver, bigay-bawi. Ewan kung pinag-isipang mabuti ni Kris ang kanyang mga posts laban kay Korina.

Sana’y hindi siya nagpadala sa kanyang emosyon. Kung galit man siya kay James Yap ay hindi niya dapat idinamay sa kanyang poot ang mga taong wala namang kuneksiyon sa kanilang problema.

At programa ‘yun ni Korina. May kalayaan itong ipalabas ang anuman at kahit sinong personalidad basta hindi nang-iimbita ng libelo. Si Korina ang reyna ng kanyang kaharian, ito ang mayhawak ng mikropono, kaya hindi dapat asahan ni Kris na porke galit na galit siya kay James ay kailangan na ring kamuhian ng mundo ang basketbolista.

Kung magpapakontrol si Kris sa mga salita lang na kanyang naririnig at nababasa ay lalong kayang-kaya siyang kontrolin ng kahit sino.

Kailangang lumayo muna sa social media si Kris Aquino dahil parang ‘yun ang hukay na magbabaon sa kanya sa sobrang kahihiyan at paglimot.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with