^
Kathryn at Daniel excited na sa 2017
Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

Kathryn at Daniel excited na sa 2017

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2016 - 12:00am

Isang bagong pelikula ang pinaghahandaan na ngayon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Dapat daw talagang abangan ng mga tagahanga ng KathNiel ang bagong proyekto dahil ibang-iba ang matutunghayan nila rito. “Yes, kami din excited personally. Kasi nae-enjoy namin, iba ‘yung vibe tapos masaya gawin ‘pag rom-com (romantic comedy) and parang ‘yung makakasama namin dito same group ng Crazy Beautiful You sa set. ‘Yung story din very light. Masaya, kasi masaya lang sa set,” pagbabahagi ni Kathryn.

Kahit hindi heavy drama ang bagong gagawin ay ibibigay naman daw ni Daniel ang lahat ng kanyang makakaya bilang isang aktor. “Kahit naman sabihin natin na light, hindi naman ibig sabihin puro saya.

Siyempre pahihirapan pa rin kami ni Direk Mae (Cruz). ‘Yon naman ‘yung masaya doon eh, kasi para sa akin hindi naman pwedeng madali lang lahat. Siyempre bibigyan natin ng puso ‘yung ginagawa natin,” nakangiting pahayag ni Daniel.

Samantala, ayon sa direktor na si Mae Cruz ay sobrang pressure ang kanyang nararamdaman ngayon pa lamang dahil sa naging tagumpay ng huling pelikula ng KathNiel na Barcelona: A Love Untold.

Michael may palibreng birthday concert

Isang libreng birthday concert ang ihahandog ni Michael Pangilinan para sa lahat ng mga patuloy na sumusuporta sa kanya sa loob ng limang taong pananatili niya sa show business. Gaganapin ito sa Rajah Sulayman Park sa November 26 na mismong kaarawan ng singer. “Sa loob ng limang taong pamamalagi ko sa music industry, I guess it’s time for me to give back. Sabi nga, it’s payback time sa mga nagmamahal at sumusuporta sa akin. Over the years, I truly realized na ito talaga ang mundong gusto kong tahakin, ang pagiging singer-performer. I’m truly grateful to all of you, to my manager (Jobert Sucaldito) who has always stood by me since day one. I promise you na hindi ko pababayaan ang karerang ito and I will be a better boy,” nakangiting pahayag ni Michael.

May titulong Si Erap, Si Michael at Ang Mga Manilenyo ang nasabing birthday show ng singer. “Gusto ko ipaabot ang aking taos-pusong pasasalamat kina Mama Laarni Enriquez at Tito Joseph Estrada for allowing me to hold my free concert sa Rajah Sulayman,” pagtatapos ng singer.

Magiging special guests ni Michael sa nasabing concert sina Vice Ganda, KZ Tandingan, Marion, Garie Concepcion, Hashtag Niko Natividad, Allan K, Bugoy Drilon, Jovit Baldivino, Mayor Joseph Estrada, at marami pang iba.

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with