^

Miguel at Bianca nagliligawan na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - January 11, 2016 - 9:00am

May bagong TVC ang magka-love team na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali ng isang popular fast food chain. Big boost ang nasabing endorsement at makakatulong para mas ma-push pa ang kanilang career.

Sayang lang dahil hindi pa nasu-shoot ang TVC ng Biguel love team, maganda sana kung sabay ang airing nito sa pilot ng bagong Afternoon Prime nila na Wish I May sa January 18.

Samantala, may ibig kayang sabihin ang laging pag-i-introduce ni Miguel kay Bianca na “this beautiful lady...” sa dalaga? Anu ‘yun, nagpaparamdam ang young actor sa kanyang ka-love team?

Hindi kami magugulat na at the right time, ligawan ni Miguel si Bianca!

Gary nakakaiyak ang pasasalamat kay Kuya Germs

Naiyak ang mga nakabasa sa post ni Gary Valenciano sa Instagram (IG) patungkol kay German Moreno. Ikinuwento ni Gary kung paano siya natulu­ngan ni Master Showman noong nagsisi­mula pa lang siya sa industriya.

Post ni Gary: “My life has been fortunate to have people who have supported me from the start. But rarely will one come across the way Kuya Germs supported the artists he believed in. He didn’t only end up supporting just a few of my projects but he always made sure to extend his hand of help and support for almost all my projects since I started 31 yrs ago.

“I don’t know if there will ever be another human being who can ever compare to the passion and love this man had for the artists in entertainment.

“I had this moment with him last Nov. 4, 2015. He had just come from therapy. It was just him and me for just a few minutes. He asked me why I wanted to come see him. I apologized for not being able to to see him any earlier since his close call in Jan. And I told him I just wanted to check on someone who has been there for me from the start. I said I wanted to thank him for being so consistent in his ways. He smiled briefly and then put his hand over his lips and wept silently; as if to show a sign of gratitude that I’ve never forgotten all he’s done for me. Then I made my way to sit by him and make kwento about my children who he also was quite fond of. I truly savoured this moment. He was a man who unlike others who have always introduced me to the public before or after a performance, would always complete the introduction with the words “my friend.”

“Yes Kuya Germs. You were the last of a breed the entertainment industry will always need. From once being a janitor to forever being a master showman...yes so much did change. Yet through it all, that which kept you dear to us was the one thing we’re glad never did change; your heart. From the bottom of ours, kuya Germs, we say thank you. We thank God for you. We bid you farewell. And I say, I love you...my friend. I always have and I always will.”

Fans ni Glaiza niri-request si Rhian sa birthday concert

Paalis si Glaiza de Castro sa February 3 para sa series of U.S. shows na tatagal ng 10 days at baka mag-extend pa, kaya matagal siyang hindi mapapanood ng kanyang fans.

Bago umalis, magkakaroon muna ng birthday at benefit concert si Glaiza sa January 24, at 7 p.m., sa Valenzuela City People’s Park Amphiteater.

Billed #28 ang concert na edad niya sa kanyang birthday (Jan. 21 ang actual birthday ng aktres).

Available na ang tickets for the said concert at kahit malayo para sa iba niyang fans, susugod pa rin sila sa Valenzuela City para mapanood si Glaiza. Ang wish lang ng ibang fans, maging guest sa concert si Rhian Ramos.

Samantala, narinig naming nag-audition si Glaiza sa Encantadia, pero wala pang announcement ang GMA 7 kung nakapasa siya.

Juancho at Ashley parang mag-dyowa kung magregaluhan!

Bongga ang Christmas gift nina Juancho Trivino ng Little Nanay at Ashley Ortega na kasama sa Wish I May. Pang-mag-GF/BF ang regalo nila sa isa’t isa at hindi pang-magkaibigan lang, kaya hindi katakataka kung ayaw maniwala ng mga reporter sa press release ng dalawa na friends lang sila. Rayban na shades ang gift ni Juancho kay Ashley at ang gift naman ng aktres sa aktor ay Armani wristwatch. Curious tuloy kaming mabasa kung ano ang isinulat na dedication ng dalawa sa kani-kanyang regalo.

ACIRC AFTERNOON PRIME ANG ASHLEY ASHLEY ORTEGA BIANCA BIANCA UMALI GARY VALENCIANO GLAIZA KUYA GERMS WISH I MAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with