TV5 puro pampa-happy ang pasabog sa 2015

MANILA, Philippines - Tuluy-tuloy ang dalang saya ng TV5 bilang Happy Network sa darating na 2015 dahil sa bukod sa engrandeng pagsalubong sa bagong taon sa darating na New Year countdown na gaganapin live mula sa Quezon City Memo­rial Circle ay sunud-sunod din ang magbubukas na bagong programa ng Happy Network.

Kabilang sa mga new program offerings for 2015 ng TV5 ang  Happy Wife, Happy Life na magtatampok sa asawa ng mga sikat na PBA players, sa What’s the Problem na ma­giging ‘advice center ng bayan’ sa pangunguna ni Gelli De Belen at Atty. Mel Sta. Maria. Sunod ang Healing Galing nina Dra. Edinel Calvario at Dr. Hayden Kho na magbibigay payo ukol mga ma­aaring lunas sa iba’t ibang karamdaman sa katawan. Ang E5 na maghahatid ng mga pinakamainit at pinakabagong happenings sa mundo ng showbiz at ang Exteme Challenge: Kaya Mo Ba ‘To? na pa­ngungunahan ni Derek Ramsay kasama ang mga   racers ng The Amazing Race Philippines Season 2.

 Mabubusog din ang puso ng buong pamilya sa katatawanang hatid ng Two and ½ Daddies na pagsasamahan sa kauna-unahang pagkakataon sa telebisyon ng magkakapatid na Robin Padilla, Rommel Padilla at BB Gandanghari. Ganundin sa Mac and Chiz na pagbibidahan nina Derek Ramsay at Empoy Marquez, at ang No Harm No Foul tampok si Ogie Alcasid kasama ang naglalakihan at naggagalingang mga PBA pla­yers na handa nang magkapa-showbiz. Kasama rin sa 2015 new offerings ng TV5 ang Call Me Papa Jack ng sikat na radio host at love guru na si Papa Jack, ang kakaibang singing search na Rising Stars, at marami pang ibang programa.

Magpaka- happy ng pagpasok ng 2015  sa bonggang pagsalubong sa bagong taon. Sisimulan ito ng Happy Network sa napakasayang New Year countdown sa December 31 ng gabi at inaanyayahan ang lahat na maki-party mismo sa Quezon Memorial Circle o manood ng live sa kani-kanilang tahanan para salubungin ang bonggang 2015.

 

Show comments