Sex video ni Paolo Bediones luma na, pinarusahan na noon pa ng GMA
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - July 29, 2014 - 12:00am

PIK: Isa si Jolo Revilla sa nakatutok sa pagsali ni Lyca Gairanod sa The Voice Kids. Bukod sa pangangampanya sa text votes, siya ang naghanap ng gown na isusuot ng bagong Superstar ng ABS-CBN 2.

Kaya bago pa lang ‘yung finals, sobrang kampante si Jolo na mananalo ang panlaban ng Cavite.

Ang kuwento ni Lyca na isang scavenger sa Tanza, Cavite ay magsisilbing inspirasyon daw sa mga mahihirap na umaasang maabot ang kanilang pangarap.

PAK: May ilang reporter na nakakuha ng kopya ng affidavit ni Aljur Abrenica na isinumite sa Quezon City Prosecutor’s Office at naibahagi sa amin ang ilang reklamo nito kung bakit gusto na niyang magpa-release ng kontrata sa GMA 7.

Ilan sa mga inirereklamo nito ay isinama raw siya sa programang Prinsesa ng Buhay ko ka-partner si Kris Bernal na kung saan shared billing daw siya sa isang “newcomer Renz Fernandez”.

Pagkatapos daw nun ay ipinartner siya kay Louise delos Reyes sa Kambal Sirena na kung saan kasama rin daw niya sa “top credits with another unknown Mike Tan.”

Ilan lamang daw iyun sa mga dahilan kung bakit na-downgrade ang status niya bilang serious lead actor.

Ang gusto raw niya ay i-package siya bilang serious actor at musician.

Marami pa raw doon mga puntos na inilagay sa affidavit na tiyak na ikinataas ng kilay ng karamihan.

BOOM: Hindi binitiwan ng TV5 si Paolo Bediones na nasa gitna ngayon ng kontrobersya sanhi ng sex video scandal na kinasangkutan niya.

Ayon sa ilang taong malapit sa kanya, mananatiling tahimik daw ang news anchor ng TV5.

Ang TV5 daw ang gagawa ng aksyon para matigil na ang pagkalat ng naturang video.

Ipaparating nila ito sa NBI para maaksyunan ang pagtigil nang pagkalat nito at imbestigahan na rin kung saan nagsimula ang pagkalat nitong video.

Noon pa man ay alam na raw ng mga pamunuan ng TV5 ang naturang video na matagal nang ginawa ni Paolo.

Kahit nung nasa GMA 7 pa raw ito, alam na raw ito ng mga dating boss niya at na-reprimand na siya rito.

ALJUR ABRENICA CAVITE DAW ILAN JOLO REVILLA KAMBAL SIRENA KRIS BERNAL LYCA GAIRANOD MIKE TAN PAOLO BEDIONES
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with