JM nakakalabas-labas na sa rehab, dumadalaw sa bahay
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - March 12, 2014 - 12:00am

PIK: Nag-post si JM de Guzman sa kanyang Instagram nung isang araw lang ng litrato ng mga kotse nila sa harap ng bahay, na may caption na “home”.

Ibig sabihin, nakalabas na siya ng rehabilitation center na ilang buwan din siyang nagpapagaling. Pero ang sabi naman ng ilang taong malapit sa aktor, hindi pa raw talaga tuluyang nakalabas dahil bumabalik pa rin daw ang aktor sa rehab kahit umuuwi ito paminsan-minsan.

Isa sa regular na dumadalaw kay JM ay si Charee Pineda na ka-close niya.

Unti-unti na raw niyang pinaghahandaan ang pagbabalik niya sa showbiz.

Matutuloy kaya ang negotiations sa GMA 7?

PAK: Malakas na tawa ang sagot sa amin ni Sen. Bong Revilla, Jr. nang sinabi namin sa kanya na makakasama nila sina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr.

Kung nagdadalawang-isip si Dr. Belo na sumama, si Sen. Bong naman ay okay lang sa kanya.

Baka nga raw may plano talaga ang Diyos na magsama sila sa biyaheng iyon at doon malalaman kung handa na ba silang magkaayos at kalimutan na ang gap nila noon dahil sa sex video scandal na kinasangkutan ni Hayden.

BOOM: Lumalaki na ang gulo ng nakaraang Star Awards for Movies na kung saan ibinunyag ni Jobert Sucaldito ang diumano’y bilihan ng award, specifically ang sa kategoryang best actor.

Ang sabi raw ng ilang opisyal ng Philippine Movie Press Club, willing daw silang ilabas ang balota at bilangin uli para malamang si Vice Ganda talaga ang nanalong best actor.

Mukhang may basehan at pinanggalingan ang pasabog ni Jobert kaya dapat na maipagtanggol ito nang maayos ng mga taga-PMPC para hindi sila maapektuhan sa pagkuha ng mga sponsor dahil ipalalabas pa ito sa TV na iprinodyus ng Airtime Marketing, Inc. ni Tess Celestino.

AIRTIME MARKETING BONG REVILLA CHAREE PINEDA DR. BELO HAYDEN KHO JOBERT SUCALDITO PHILIPPINE MOVIE PRESS CLUB STAR AWARDS TESS CELESTINO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with