Dalawang aktres na dating magkaaway, madalas na magkaeksena ngayon

Naaliw kaming panoorin ang dalawang aktres na magkasama sa isang soap lalo’t magkaibigan ang role nila. In real life, hindi in good terms ang dalawang aktres, galit na galit si Actress A (AA) kay Actress B (AB) nang makarelasyon nito ang kanyang kapatid.

Kung anu-anong masasakit na salita ang sinabi ni AA kay AB at naging dahilan ‘yun para madaling naghiwalay sina AB at kapatid ni AA. Pero ngayon, magkasama sila sa soap at madalas pang magkaeksena.

Sino kaya kina AA at AB ang nakikipagplastikan lang o baka naman kinalimutan na nila ang nakaraan lalo’t pareho na silang may asawa at mga anak?

 

Kris nag-aral na ring mag-zumba

May beauty day na pala si Kris Aquino at every Wednesday ang schedule niya. May Zumba dance lesson siya kasama ang G Force at may mga beauty regimen pa bago siya mag-report sa show nila ni Boy Abunda na Aquino and Abunda Tonight.

 

Gina payag patalo kay carla sa pagka-best actress

Parehong nominated sa Outstanding Performance by an Actress in a Drama Series sa 2013 Golden Screen TV Awards ang future in-laws na sina Gina Alajar at Carla Abellana. Nominated si Gina sa Hiram na Puso at si Carla nominated sa My Husband’s Lover.

Natawa si Gina na iniintriga sila ng GF ng anak na si Geoff Eigenmann, pero sabi nito, okay sa kanya sinuman sa kanila ni Carla ang manalo. Ganu’n din ang reaction ni Geoff, matutuwa siya sinuman sa ina at GF ang manalo.

Samantala, ngayong araw ang showing ng Regal Entertainment movie na Third Eye na pinagbibidahan ni Carla kasama sina Denise Laurel, Alex Vincent Medina, Ejay Falcon at Camille Prats. Mula ito sa direction ni Aloy Adlawan.

Show comments