LT na-enjoy ang pagkain ng tipaklong, Annabelle may malaking announcement

SEEN: Inaabangan ang tatlong big announcements ni Annabelle Rama sa linggong ito. Marami ang naintriga sa tweet ni Annabelle na “Congrats to you both. At least makatulog na kayo ng mahimbing. Lahat ng tinik na nakaturok sa inyong dalawa, natanggal na. You can both concentrate on your work now. Thank God for the guidance.”

SCENE: “Block and delete” ang sagot ni Anne Curtis sa lahat ng kanyang haters sa social media. Hindi na apektado si Anne ng kanyang social media bashers.

SEEN: Hindi pa tapos ang hearing ng kaso na isinampa ng talent manager na si Becky Aguila laban sa kanyang dating right hand woman na si Mel Pulmano. Hindi nakakadalo si Becky sa mga hearing dahil nadadalas ang kanyang pagkakasakit.

SCENE: Huminto na si Nadia Montenegro sa kanyang mga patutsada laban sa isang tao na gusto niyang isuplong sa Philippine Drug Enforcement Agency.

SEEN: Untidy looking si Ejay Falcon nang humarap siya noong Lunes  sa entertainment writers sa presscon ng Third Eye ng Regal Entertainment Inc.

SCENE: Text nang text si Aloy Adlawan habang nakaupo sa presidential table at nagaganap ang question and answer sa presscon ng Third Eye.

Si Aloy ang director ng Third Eye.

So unethical!

SEEN : Ang post-Valentine trip ni Lorna Tolentino at ng kanyang mga anak na sina Rap at Renz sa Bangkok, Thailand. Nagtagumpay si Lorna sa pagkain ng  tipaklong (grasshopper) sa Bangkok.

SCENE: Nag-renew ng kontrata si Gladys Reyes bilang host at executive producer ng Moments na napapanood sa Net25 ng Eagle Broadcasting Corp.

Anim na taon na ang lifestyle show ni Gladys sa TV Network ng Iglesia ni Cristo.

Show comments