Sa Araw ng mga Kaluluwa Mikael at Isabelle ipapakita ang pag-ibig na hanggang kamatayan
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - November 2, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ngayong Araw ng mga Kaluluwa, muling ihahatid ng weekend romantic program ng GMA News TV na Wagas ang isang kuwento ng tunay na pag-ibig na hanggang kamatayan.

Bago pa man dumating ang sandaling sasambitin nina Annalyn and Ronnick ang napakamakahulugang sumpaan sa harap ng altar, nagkaroon na ng wakas ang kanilang pagsasama. Bisperas ng kanilang pinakahihintay na kasal, isang aksidente ang kumitil sa buhay ni Ronnick. At dahil sa sobrang pagmamahal ni Annalyn sa kabiyak, labag man sa kagustuhan ng marami ay itinuloy ng dalaga ang pagpapakasal sa nobyo kahit ito ay nasa kabaong na.  

Tampok sina Isabelle Daza at Mikael Daez, abangan ang totoong kuwento ng pag-ibig na ito na naging laman ng mga balita noong 2012 at unawain ang kakaibang kahulugan ng pag-ibig hanggang kamatayan.

Huwag palagpasin ang nakaaantig na kuwentong Pag-ibig Hanggang Kamatayan ngayong Sabado, Nov. 2, sa Wagas, 7 p.m., sa GMA News TV.

ANNALYN ANNALYN AND RONNICK BISPERAS HANGGANG KAMATAYAN HUWAG ISABELLE DAZA KALULUWA MIKAEL DAEZ NGAYONG ARAW WAGAS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with