Lee Min Ho gustong magbakasyon sa Bora

SCENE : Disappointed ang fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil naudlot ang airing bukas ng kanilang teleserye, ang Got To Believe. Hinihintay ng fans nina Daniel at Kathryn ang announcement ng ABS-CBN tungkol  sa airing date ng Got To Believe.

SEEN : Si Department of Health Assistant Secretary and Spokesperson Dr. Eric Tayag sa isang gym kahapon sa Quezon City.

Hindi masyadong nag-exercise si Dr. Tayag dahil tsika-tsika lang siya kapag may time.

SCENE : Umalis ng Pilipinas si Ruffa Gutierrez noong Biyernes dahil magsisimula na ang klase niya sa London.

Nagpunta muna si Ruffa sa Italy para sa isang personal commitment.

SEEN : Nakaburol sa Arlington Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City ang labi ng mahusay na character actress na si Amable Quiambao.

Atake sa puso ang ikinamatay ni Amable noong Biyernes, July 5.

SCENE: Gustong magbakasyon sa Boracay ng Korean pop superstar na si Lee Min Ho na trending topic sa Twitter dahil sa kanyang libu-libong Pinoy fans.

Seen : Big fan ni Lee Min Ho si BB Gandanghari. Malungkot si BB dahil may sakit siya kaya hindi niya napanood kagabi ang concert ni Lee Min Ho sa Mall of Asia Arena.

SCENE: Mabentang-mabenta sa televiewers ng Eat Bulaga ang impersonation ni Paolo Ballesteros sa American singer na si Mariah Carey.

Pangatlo si Mariah sa mga sikat na personalidad (Angelina Jolie at Anna Hathaway) na ginaya ni Paolo.

Show comments