Parang sina Alice at Rita, Cesar at Gardo may away din!

PIK: Unti-unti na palang nakapagpundar si Jake Vargas para sa ipapatayo niyang bahay. Napagawa na raw niya ang bahay nila sa Subic, Zambales pero balak din niyang magpatayo para sa sarili niya.

Ipon nang ipon ngayon ang Kapuso star dahil gusto niyang magkaroon din siya ng sarili niyang bahay.

Pero sa ngayon ay masaya na siya dahil naayos na niya ang bahay nila sa Subic na tinitirhan ng kanyang pamilya.

Kasama si Jake sa ba­gong programa ng GMA 7 na Home Sweet Home.

PAK: Umiiwas pa rin si JayR na magpa-interview dahil ayaw na niyang magsalita tungkol sa isyu nila ni Krista Kleiner.

Pagkatapos ng Party PIlipinas nung Linggo ay kaagad itong umalis kasama ang kapatid niya. Nagpaalam naman ang singer sa mga reporter na gustong mag-interview sa kanya.

Biniro namin kung ayaw ba niyang tumulong sa promo ng ilo-launch na album ng dating kasintahan.

“Nakatulong na ako sa promo ng album niya,” natatawa niyang sagot sa amin.

Ayaw niyang sabihin pero hindi nga maiwasang nagagamit na siya sa album ni Krista. Nagtataka lang kami bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin iyon nalo-launch.

BOOM: Totoo kayang matindi na ang intrigahan sa mga cast ng drama series ng TV5 na Never Say Goodbye?

Ayaw man nilang magsalita, matagal na naming naririnig ang tungkol sa pagpi-prima donna diumano ni Alice Dixson.

Hanggang sa ngayon ay meron pa rin daw iringan sina Alice at Rita Avila at ang dami nang naglalabasang kuwento tungkol sa mga eksenang ginagawa nila na muntik-muntikan nang magpang-abot.

Totoo rin kayang pati raw sina Cesar Montano at Gardo Versoza ay meron na ring iringan sa taping?

Kaya parang gusto na raw ni Gardo na tapusin na lang ang karakter sa naturang drama series.                                                                        

Show comments