Andi hindi nagpatalbog kay Anne sa paseksihan

 SEEN: May convoy ng mga Filipino Muslim sa Greenhills Shopping Complex noong Miyerkules. Idineklara ng mga Filipino Muslim ang pananampa­lataya nila kay Prophet Mohammed at ang protesta nila laban sa pelikulang Innocence of Muslims.

SCENE: Hindi nalalayo sa mga eksena at dialogue ni Carmi Martin sa No Other Woman ang ilang linya at eksena ni Jaclyn Jose sa A Secret Affair.

SEEN: Nakipagsabayan si Andi Eigenmann kay Anne Curtis sa mga sexy scene nito sa A Secret Affair.

SCENE: Nagpang-abot noong Lunes sa isang restaurant sa Greenhills sina Annabelle Rama at former Caloocan City Mayor Macario Asistio pero hindi sila nagkita ng mata sa mata.

Kasama ni Asistio ang kanyang hipag na si Tanya Montenegro.

SEEN: Natikman na kahapon ni Zac Efron ang balot sa almusal niya sa Misibis Bay Resort, Cagraray Island, Bacacay, Albay.

SCENE: Paraiso na ang bagong pamagat ng Isla, ang afternoon series ng ABS-CBN na tinatampukan nina Matteo Guidicelli at Jessy Mendiola.

SEEN: Madalas na nakikita sa mga mall si Desiree del Valle at Boom Labrusca, ang co-star niya sa Aryana.

SCENE: Nanguna pa rin sa box-office race ang The Mistress ng Star Cinema sa mga pelikula na ipinalabas sa Philippine Theaters noong Sept. 19 hanggang Sept. 23, base sa report ng Box Office Mojo International.

Show comments