^

PSN Showbiz

Dahil sa katangkaran Bianca nahihirapang maghanap ng bagong lalaki

- Veronica R. Samio - The Philippine Star

Wala pang kapalit si John Prats sa puso ng ex beauty queen na si Bianca Manalo. Hindi naman daw siya umiiwas sa pagkakaroon ng bagong relasyon pero talagang hindi pa siguro dumarating ang tamang lalaki para sa kanya. O baka naman tulad ni KC Concepcion ay matagal bago siya maka-recover kaya ang buhok ang pinagdiskitahan. Maikli na ang buhok ni Bianca pero tulad ng anak ni Mega ay bumagay sa kanya ang maikli niyang hairdo. Hope lang ng marami niyang friends na kasamang nawala ng kanyang mahabang buhok ang sakit na idinulot ng kanyang broken heart.

Malaking disadvantage naman kay Bianca ang kanyang sobrang taas. Kakaunting Pinoy ang mas mataas pa sa kanya. Kaya malamang isang foreigner ang next dyowa niya.

Kiray hiningan din ng tulong ni P-noy

Pati pala si Kiray Celis ay Peace Ambassador na! Kabilang siya sa mahabang talaan ng mga artista at iba pang celebrities itinalaga rin Peace Ambassadors na kinabibilingan nina Anne Curtis, Epi Quizon, Gerald Anderson, Maegan Young, Christian Bautista, Mikael Daez, Apl. de. Ap., Noel Caba­ngon, Gloc 9, Ebe Dancel, mga miyembro ng Azkals, fashion desingners at marami pang iba na hiningan ng tulong ni P-Noy na samahan siyang maihatid ang mapayapang bukas sa bawat Pilipino. Layunin nila na maitaas ang level of awareness ng tao on peace and the peace process.

Napapanood si Kiray sa teen series na Luv U at nakabilang din sa cast ng I Do Bidoo.

Jericho sasabak na rin sa pagdidirek!

Ayaw papigil ni Jericho Rosales. Matapos ang matagumpay niyang album na Change, may ilalabas ang Star Records na bago niyang album na pinamagatang Korona. 

Si Echo ang isa sa iilan nating mahuhusay na aktor na walang sawang i-tap ang anumang ta­lent na meron siya para hindi ‘yun at ‘yun lang ang nakikita ng tao na ginagawa niya. Matapos niyang maipamalas ang kanyang kagalingang umarte na sinundan niya ng paggawa ng album na kung saan ang pagiging musikero niya ang lumitaw, nagsimula na rin siya gumawa ng sarili niyang komposisyon na napakinabangan sa serye niyang Green Rose at ngayon naman ay sa recording.

Anytime now, pagkatapos niyang mapag-ara­lang mabuti ay sasabak naman siya sa pagdidirek ng pelikula. Abangan n’yo rin ito.

ANNE CURTIS

BIANCA

BIANCA MANALO

CHRISTIAN BAUTISTA

EBE DANCEL

EPI QUIZON

GERALD ANDERSON

GREEN ROSE

I DO BIDOO

NIYANG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with