Namatay na anak ni Andeng, nailibing na!

PIK: Ngayong gabi na ang simula ng concert ng Prince of Pop na si Erik Santos sa Meralco Theater, na pinamagatang The Greatest Theme Songs.

Dalawang gabi ito sa Meralco Theater, at malaki ang pasasalamat ng maituturing ding Prince of Theme Songs sa mga iginagalang niyang mang-aawit dahil sa pumayag itong makasama niya sa naturang concert para muling bigyang buhay ang mga sumikat na theme songs na ginamit sa pelikula at mga teleserye.

Ilan sa mga special guests nito ay sina Basil Valdez, Vina Morales, at Gary Valenciano.                       

Isa sa all-out ang suporta sa concert na ito ni Erik ay ang bestfriend niyang si Pinky Tobiano ng Pinky Cares.

PAK: Kinickout na raw si Julia Quisumbing sa Artista Academy dahil sa hindi na ito pumapasok.

Ang pagkaalala namin dapat ay pasok din itong si Julia sa Protégé The Battle for the Big Artista Break, pero hindi na ito nakabalik sa call back.

Sinayang lang nito ang mga pagkakataong ibinigay sa kanya. Kung nasa Protégé, baka nagka-career na ito.

BOOM: Inilibing na kahapon ang baby ng mag-asawang Gov. Junjun Ynares at Andeng Bautista-Ynares na namatay habang nasa sinapupunan.

Dapat ay iluluwal na ito ni Andeng sa susunod na buwan pero namatay ito nang pumulupot ang umbilical cord sa paa ng baby.

Doon nalaman ni Andeng na namatay na pala ito kaya inoperahan na ito para kunin ang baby.

Bale pangatlong baby girl na sana ito ng mag-asawa, kaya masakit na masakit ito para sa kanila,

Sabi ni Andeng, kailangan niyang magpalakas para sa dalawa nilang anak.

Sinamahan sina Andeng at Gov. Junjun ng kanilang pamilya nang inilibing ang kanilang baby sa Angelus Memorial Park sa Imus, Cavite.

Show comments