Programming ng GMA na-reshuffle

Nagkaroon ng reshuffle ang evening programming ng GMA 7 dahil sa pagtatapos ng Iglot.

Papalit dito ay Amaya at hindi ang magsisimulang Survivor Philippines na mapapanood pagka­tapos ng 24 Oras. Susunod naman sa SP ang  Mun­ting Heredera.

After Heredera, ‘yung mga regular programs na hanggang magtapos ang Time Of My Life at Big Thing. Kapag nag-end din ang Time at Big Thing, baka magkaroon muli ng reshuffle.

Andiyan pa naman ang Protégé na kinalulugdan ng marami dahil sa mga dramang nagaganap among the protégés, and even among the mentors.

Castaways nagpa-miserable para sa p3m

Miserable naman pala ang naging buhay ng mga castaways sa isla ng Palawan kung saan ginanap sa loob ng 36 na araw ang Survivor Philippines kasama ang host na si Richard Gutierrez at ang 20 Castaways.

Kanin at buko lamang ang bumuhay sa kanila, not unless kumakain sila ng hilaw na ulo at paa ng manok!

Talagang saludo ako sa mga castaways. Matapang, matatag at determinado sila. Pero matatag nga ba sila?

Kasi naman P3 million ang puwede nilang mapanalunan dito kaya gagawin nila ang lahat manalo lang.

Show comments