Mo Twister hindi pa rin matanggap na hindi na siya babalikan ni Rhian

Seen : Mahihirapan si P-Noy na ilihim ang mga nangyayari sa kanyang personal na buhay dahil interesado ang lahat sa love life niya. Mabilis na nalaman ng media na Bunny Calica ang pangalan ng date ni P-Noy sa reunion concert ng Hotdog sa Dusit Hotel noong Lunes.

Scene : Napagkamalan si Katrina Halili na date ng isang politician mula sa Mindanao dahil hindi nagkakalayo ang itsura nila ni Ynez Veneracion.

Seen : Hindi matanggap ni Mo Twister na hindi na siya babalikan ni Rhian Ramos at nalalaman pa rin niya ang bagong cell phone number ng ex-girlfriend.

Seen : Sa May 30 ang pilot telecast sa ABS-CBN ng The Biggest Loser, Pinoy Edition. Isa -isa nang ipinakikilala ng ABS-CBN ang mga contestant ng reality show ni Sharon Cuneta.

Scene : Nawawala na naman sa sirkulasyon si Jewel Mische kahit lumipat na siya sa ABS-CBN.

Seen : Hindi idine-deny ni Ali Sotto na nasaktan siya sa biglaang pagkawala ng kanyang morning show sa GMA 7 dahil hindi nagbigay ng abiso ang management.

Show comments